√FOUR√

7.2K 219 0
                                    

Malalaki ang hakbang na aking ginawa pabalik sa classroom namin. Halos ibalibag ko ang pintuan pagkapasok ko.

“Master, mabuti naman bumalik ka. Sabay-sabay na tayong pumunta sa cafeteria.” Sinalubong nila ako. Hindi ko sila pinansin. Dinaanan ko lang sila. Naglakad ako patungo sa upuan ko at padabog na umupo.

Napahilot ako sa aking sentido. Iniisip ko pa rin kung saan napunta ang DSLR ko? Walang CCTV sa parteng iyon kaya hindi ko mahuhuli kung sino ang kumuha.

Naikuyom ko ang aking kamao. Umigting ang aking panga dahil sa matinding galit na nararamdaman. Kulang na lang ay suntukin ko ang armchair ko.

“M-master? Okay ka lang ba?” tanong nila. Pinalibutan nila akong apat.

“Nakita n’yo ba ang DSLR ko?” tanong ko habang sinusubukang kumalma.

“DSLR?”

“Oo. Nakalagay sa locker ko. Alam n’yo kung ano’ng hitsura nun kaya nakita n’yo ba?”

“Hindi, Master. Hindi pa kami nakakapunta sa locker mula nang pumasok tayo kanina.”

“Ano ba ang nangyari?” tanong ni Zael.

“Sa locker mo lang naman nilalagay iyon, ’diba? Mayro’n bang nangyari sa DSLR mo?” segunda ni Zach.

“Wala na roon. Hindi ko makita. Nawawala. F*ck!” Sa matinding inis ay nasuntok ko na ang armchair ko.

Napaawang ang labi ng mga kasama ko.

“M-master . . .”

“Bakit wala na roon? Tang—”

Hindi ko tinapos ang sinasabi. Tumayo ako at mabilis na binuhat ang isang upuan.

“T*ngna!” Inihagis ko iyon.

Hindi pa ako nakontento dahil maging ang ibang upuan ay inihagis ko rin. Mayro’ng ihahagis ko sa pader at sa labas ng classroom. Kung hindi nakakailag ang mga kasama ko ay baka pati sila natatamaan na.

“T*ngna talaga!” malakas na sigaw ko pagkatapos ay sinipa ang mga nakatayong upuan.

Hindi pa ako nakontento dahil maging ang teacher’s table ay itinaob ko.

Walang nagtangkang umawat sa akin dahil kilala nila ako—hindi ko magugustuhan kapag nakialam ang isa sa kanila.

Nakita ko ang dalawang flowerpot, maging iyon ay hindi ko pinalampas. Binasag ko ang mga iyon dahilan para mas lalong maging makalat ang buong silid-aralan.

Binalingan ko ang flower vase ni tanda. Kinuha ko iyon at buong lakas na inihagis sa bintana. Gumawa ng ingay ang mga nabasag na bubog.

May mga sumisilip na sa classroom namin. May nagtataka, may takot na takot. Iyong iba hindi na nagulat dahil sanay na rin naman silang makita ako na ganito.

Hindi ito ang unang beses na gumawa ako ng gulo rito sa school. Basta pumapasok ako, gagawa ako ng gulo hangga’t gusto ko. At walang makapipigil sa akin kahit na ang head ng school.

Subukan lang nilang kalabanin ako at higit pa rito ang gagawin ko.

“Find it!” utos ko kina Alexis, Neo, Zael at Zach.

“Hanapin n’yo ngayon mismo! Sa araw na ito! Kapag hindi nakita ang bagay na iyon bago matapos ang araw na ito hindi lang ang t*ngn*ng classroom na ito ang wawasakin ko.”

“K-kumalma ka muna, Master. Makikita rin natin iyon.”

“Kilos na!” sigaw ko sa kanila. Nagmadali naman silang lumabas.

Pregnant By Heartless Gangster(UNDER MAJOR  REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon