√NINE√

7.9K 255 21
                                    

CLEO's POV

"Cleo, ano ba ang problema mo? Bakit kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo?" narinig kong tanong ni papa. Pero nanatili akong walang imik.

"Cleo?" malakas na tanong niya kaya napatingin na ako sa kanya.

"P-po? B-bakit po?" wala sa sariling tanong ko kay papa.

"Kanina pa ako nagsasalita rito hindi mo man lang ako pinapansin."

"S-sorry po, Pa. Mayro'n lang po akong iniisip."

"Tsk! Kung ayaw mo lang din pa lang kumain edi sana natulog ka na lang. Hindi iyong para kang tanga riyan," sermon niya sa akin.

"Reny, tama na iyan. Cleo, anak, sige na. Kumain ka na." Tango lang ang naging sagot ko kay mama. Nagsimula na akong kumain.

Bakit parang ang pangit ng lasa ng pagkain? Sumubo ulit ako ng isa. Pero gano'n pa rin. Ang pangit talaga. Masarap namang magluto si mama, pero bakit ngayon ang pangit ng Adobo niya?

Pasimple kong tiningnan sina mama at papa. Bakit sarap na sarap sila habang kumakain? Ako 'ata ang may problema at hindi ang pagkain.

Hays! Umayos ka, Cleo.

Sinubukan ko ulit kumain, pero hindi ko pa nga nalulunok ang pagkain ay naramdaman kong nasusuka na naman ako. Mula sa pagkakaupo ay patakbo akong pumunta sa lababo at do'n nagsusuka.

"Cleo, ano ang nangyayari sa 'yo? Okay ka lang ba?" tanong ni mama. Hindi ako nakasagot dahil patuloy pa rin ako sa pagduwal. Kahit anong pagpigil ang gawin ko ay hindi umuubra. Naluluha na ako sa kasusuka.

"C-cleo, anak . . ."

Naramdaman kong lumapit sa akin si mama. Hinagod niya ang likuran ko.

Nang maramdaman kong okay na ako ay hinarap ko si mama at papa. Matinding pag-aalala ang nakikita ko kay mama at pagtataka naman kay papa.

"Ano ang nangyayari sa 'yo, Cleo?" pagdududa ni papa. Hindi ko mahanap ang tamang isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya?

"Sagutin mo ako, Cleo," galit na sabi niya kaya halos kilabutan ako.

"P-pa . . ."

"Umayos ka. Ano ang nangyayari sa 'yo? Mayro'n ba kaming dapat na malaman?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako nang mahigpit sa braso ko.

"P-pa . . . nasasaktan po ako," reklamo ko. Pero parang wala lang siyang naririnig.

"Sagutin mo ang tanong ko. Mayro'n ba kaming dapat na malaman?" may diing tanong niya.

"Reny, bitawan mo si Cleo," saway ni mama kay papa.

"Huwag kang makialam!" bulalas ni papa. Mas lalo akong nanghina at nasaktan nang bigla niyang itinulak si mama.

"Ma! P-pa . . . tama na. Huwag mong sasaktan si mama," pagmamakaawa ko.

"Ang tanong ko ang sagutin mo!" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

Sumikip ang dibdib ko. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Bigla akong nahilo. Nanlalabo rin ang paningin ko.

"P-pa . . ." nanghihinang saad ko.

"Tinatanong kita-Cleo!" sigaw ni papa dahil bigla na lang akong nawalan ng malay.

Nang magising ako ay ang umiiyak na si mama ang kaagad na bumungad sa akin.

"M-ma . . ." Para siyang nabunutan ng tinik nang makitang gising na ako.

"Cleo, anak, kumusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya.

Pregnant By Heartless Gangster(UNDER MAJOR  REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon