√EIGHT√

7.4K 218 5
                                    

R18. Read at your own risk.

_____

CLEO's POV

Nasa kuwarto ako at iniisip ko kung ano ba itong nangyayari sa akin? Pero ang tanging naaalala ko ay ang gabing may nangyari sa amin ni Trace. Ayaw ko itong isipin, pero paano kung dahil sa nangyari sa amin kaya ako nagkakaganito?

Halos limang minuto pa lang na nakalapat ang likod ko sa kama ay nagsimula nang maglakbay ang isip ko.

Unang pasok ko pa lang sa Moriegn Academy ay matunog na ang pangalan ni Trace pati na rin ang grupo niya. Ngunit nasa grade nine na ako ay hindi ko pa rin nakikita ng personal kahit na isang beses ang lalaking nagngangalang Trace Zairon Mendez.

Isang araw wala si Luke kaya ang grupo ni Tania pinag-trip-an na naman ako. Pinagpapasahan nila ang bag ko. Pinipilit kong kunin sa kanila, pero ayaw nilang ibigay.

Kapag kukunin ko kay Tania ay ipinapasa niya naman sa mga kaibigan niya. Paulit-ulit lang. Ako naman parang tangang pinagtatawanan nila.

Hanggang sa itatapon na ni Tania ang bag ko sa basurahan. Dahil sa takot kong pumasok ay tumakbo ako-pilit na inaabot ang bag ko. Ngunit sadyang ang malas ko talaga. May balat pala ng saging, sakto naapakan ko.

Inihanda ko na ang aking sarili dahil anumang oras ay babagsak ako sa sahig. Nakuha ko nga ang bag ko. Pero ako naman 'ata ang papasok sa basurahan.

Napapikit ako. Hinihintay ko na lang ang pagbagsak ko.

Bakit ang tagal?

Iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang isang guwapong anghel.

Lord, nasa langit na ba ako? Ang bilis naman ng kamatayan ko. Hindi ko inakala na sa basurahan pala magtatapos ang buhay ko.

Pakiramdam ko ay huminto ang aking paligid. Parang may fireworks ang kalangitan. May pa-fireworks sa kamatayan ko? Sinalo pa ako ng anghel.

Mabuti pa ang anghel kaya akong saluhin, eh, kapag ang tao kaya? Kaya akong saluhin kapag nahulog ako?

Sa gitna ng pag-iisip ko'y bumalik ako sa katinuan nang may sumigaw sa akin.

"D*mn, you! Why are you looking at me? What are you thinking, b*tch?"

Hindi na heaven, hell na. Hindi na anghel, demonyo na.

Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Bigla ba naman akong binitawan, bumagsak tuloy ako sa basurahan.

"Sa susunod, huwag mo akong idadamay sa katangahan mo!" bulyaw sa akin ng lalaki saka ako iniwang nakahandusay sa mga basura.

NALAMAN ko ang pangalan niya. Siya nga si Trace, ang kinababaliwan ng maraming babae sa school at leader ng isang sikat na gang.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero magmula noon ay may kakaiba na akong nararamdaman para sa kanya. Kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko siya. Ang init-init ng pisngi ko kapag nandiyan siya.

Grade ten ako nang mapagtanto kong crush ko si Trace. Pareho lang kami, pero never kaming naging magka-section. Hindi ko mapigilan ang sarili na gustuhin siya.

Isang araw ay binalak kong magpadala ng sulat kay Trace. Plano ko sanang ihulog sa locker niya katulad ng ginagawa ng ibang mga nahuhumaling sa kanya.

"What are you doing?" tanong ng malamig na tinig sa likuran ko. Unti-unti akong lumingon. Nanlaki ang mga mata ko. Natigilan din nang makita siya.

"T-trace . . ."

Akala ko ba absent siya? Mahilig kasi siyang um-absent kaya akala ko wala siya ngayon. Wrong timing.

Pregnant By Heartless Gangster(UNDER MAJOR  REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon