√FIVE√

7.6K 233 6
                                    

CLEO’s POV

Dahil sa sinabi ni Zach, papunta na kaming mga babae sa gym. Pati mga binabae ay kasama rin. Ano ba ang pakulo ni Zach ngayon? Ano’ng gagawin namin?

Naglalakad ako papuntang gym nang may biglang sumabay sa akin. Pagtingin ko’y si Luke pala. Sobrang bilis niya kasi nasa classroom pa siya kanina nang umalis ako.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” pabulong na tanong ko sa kanya.

“Pupunta sa gym,” prenteng sagot ni Luke.

“Huh? Bakit?”

“Sabi kasi ng pangit na pumunta kanina sa room pumunta raw sa gym.”

Gusto kong matawa. May pangalan si Zach tapos pangit ang itatawag niya.

“Oo nga. Pero ang sabi babae at—”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Bakla? Luke! Bakla ka? Wah! Bakit ngayon ko lang nalaman? For how many years inilihim mo sa akin ang pagkatao mo! Akala ko ba magkaibigan tayo?”

“Tsk! Tumigil ka nga. Hindi ako bakla. Sa guwapo kong ito. Aish!”

“Talaga ba? Bakit ba kasi pupunta ka sa gym? Hindi ka naman kailangan do’n.”

“I know. But you need me there. Baka kung ano pa ang gawin nila sa ’yo lalo na ang Zach na iyon.”

Ang paranoid talaga niya.

“Magiging okay lang ako kaya bumalik ka na sa classroom.”

“Nope. I will accompany you.”

Ayaw talaga. Napabuntonghininga na lang ako. Mukhang wala na talaga akong magagawa pa.

“Bahala ka,” sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman siya.

Pagdating sa gym, nagulat ako kasi sobrang daming tao. Halos mapuno na ang gym.

“Do’n tayo, babygirl.” Hinila ako ni Luke papunta sa isang gilid.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng ilang. Pinagtitinginan kasi kami ng ibang estudyante. Minsan talaga gusto ko na lang tumakbo palayo kapag nakikita nila kaming magkasama ni Luke.

“Si Luke Ivan Alvarez iyan ’diba?”

“Bakit siya nandito?” Narinig kong tanong ng dalawang babae.

“Bakla ba siya? Hindi naman ’diba?”

“G*ga ka ba? Sa guwapong iyan bakla? Baka malaglag ang panty mo kapag hinalikan ka niya!”

“Sino ang g*ga sa atin, ha? Hindi ko naman sinabing bakla si Luke. Nagtanong lang ako.”

Mag-aaway pa ’ata ang dalawang ito. Parang gusto kong matawa kay Luke. Nakasimangot kasi. Sasama-sama pa kasi.

“Okay. Form your line.”

Napatingin ako sa nagsalita. Si Alexis pala. Nasa pinakagitna sila.

Si Alexis ay may hawak na microphone. Si Zach na may kalandian lang. Si Neo at Zael na nakatayo at mukhang naiinip na nang sobra. Si Trace na ang sama ng tingin. Kulang na lang ibalibag niya ang nakikita niya. Bakit ba palagi siyang ganiyan? Nasobrahan pa sa ipinaglihi sa sama ng loob.

“Ano na naman ba ang pakulo ng mga gangster na iyan?” tanong ni Luke.

Kilala bilang gangster ang grupo nila kaya maraming takot lalo na kay Trace.

“Ewan ko,” sagot ko na lang.

“Uy, form your line na raw,” sabi ng isang babae.

Pumila na kami. Dala-dala pa namin ang bag namin. Ang haba ng pila, siksikan pa. Sumilip ako sa pinakaunahan. Isa-isang tinitingnan ni Neo at Zael ang loob ng mga bag—para bang may hinahanap sila.

Pregnant By Heartless Gangster(UNDER MAJOR  REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon