1.

37 1 0
                                    

A/N: WELCOME sa chapter ng story na to, ang tenenen! In my Head! Enjoy kayo at mahal ko kayo ayie! Comment din kayo para makapag-interact tayo! Okay lang kahit ano pa yan! binabasa ko naman lahat eh :3

——————

PAGKARATING na pagkarating ko sa condo building, excited akong pumasok sa elevator at agad na pinindot ang 5th floor. Sa 5th ako nakatira. Mag-isa lang kasi ako sa unit na to kasi yung original kong bahay na tinitirhan sobrang layo sa college na pinapasukan ko. Nasa Japan kasi yung mansyon ng tatay ko. Odiba, wawers. Kung nagtataka kayo bakit ako sa Pilipinas nag-college malalaman niyo kung bakit mamaya hihuhihu.

Nagtatalon ako sa tuwa nang makita kong 5th floor na ang nasa screen sa elevator. Agad agd kong inayos ang sarili ko at naglakad ng parang wala lang. Sa hindi kalayuan, nakita ko na ang palaging hinahanap ng aking mga mata.

Hayun! Ang makisig kong kapitbahay! Ang oh-so-yummy kong chinitong kapitbahay! Si Rain Park! Mmmmm Yummy talaga ni fafa Rain! Kaya naman laging success ang chapter ng IMR (In the Midst of Rain) dahil sa kanya! Si Rain Park!

Ngayong araw naka-suot siya ng faded ripped jeans at nakakabulag sa puti na v-neck t-shirt! Kitang kuta ng mga hawk-eye kong m mata ang pinagpalang biceps niya! Nakasuot din siya ng kulay berdeng jacket na may pangalan ng college namin, ang Lonen College. Isa rin siyang second year student ng Pre-Med at siya yung pinaka-matalino na at pinakagwapo pang estudyante ng department na yun! Hindi alam ng mga fangirls niya na kapitbahay ko sya ng isang taon na! Ayie!

"Good aftie," at nakagat ko yung dila ko nanaman! Haixt! Iisipin nanaman ni Rain na weirdo ka! Ano ba Aya! Well, weirdo ka naman talaga eh! Lahat pinagagana mo gamit ng imagination mo! Sabi ng isang maliit na boses sa isipan ko.

"Hi." Matipid ang salita nito at agad na inilabas ni Rain ang keycard niya at tinipat sa sensor ng pinto at pumasok na sa kanyang unit.

"Way to go Aya." Nakakabagsak balikat kong winika at pumasok na rin sa loob ng aking unit.

Nakakapagod na lang yung lagi kang titingin sa malayo at aasa pero anong magagawa ko? Ganito na ang naging gawain ko since nung una akong lumipat dito sa unit.

Unang beses kong makarating noon dito sa Pilipinas. Dito kong pinili pumasok sa college dahil ayaw ko na munang manirahan sa Japan at gusto ko namang manirahan sa bansa ng aking ina. Dahil kaka-18 ko lang ng taong yun, pinayagan ako ni Papa kahit ayaw niyang mawalay ako. Malungkot man unalis pero pinili ko pa rin tumuloy dahil bukod sa gusto ko ng bagong kapaligiran, may hinahanap akong tao. At siya yung first love ko.

Weird man isipin pero yung first live ko nakilala ko sa airport. Nakatabi ko siya sa airport at siya rin ang umalalay sa akin nung nagsuka ako sa loob ng cabin. Nakakahiya man isipin pero first time ko ang paglipad, at siya hindi. Malas ko lang at hindi ko nakuha ang pangalan niya pero tandang tanda ko ang sapatos na nalaglag mula sa bagahe niya at di na niya nabalikan.

Nang makrating ako dito sa unit, ay bagong dating din ang matipuno kong kapitbahay na ngayon ay nagngangalang Rain. Kitang kita mo na iba siya sa lahat kaya naman laking gulat ko nang makita ko rin siya sa college campus namin at parang pinaglalaruan kami ng tadhana, nalaman kong siya pala yung katabi ko sa airport! Pero hindi niya parin alam.

May sakit kasi siya, facial agnosia. Yung mga taong nakakalimot ng mukha. Parang amnesia pero sa mukha mo gumagana. Halimbawa, ako, pag ako nakakita ng isang tao, hindi ko malilimutan ang kanyang mga ginawa pero ang kanyang mukha at pangalan ay maari kong makalimutan. Kaya naman mahirap man tanggapin at isiping may mga tao palang ganito, agad ko na lang isinasantabi ang kalagayan ni Rain dahil mula ng araw na iyon ay abnormal na ang takbo ng puso ko para sa binata!

In My Head [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon