A/N: Dedicated sa kaibigan kong si havensred ! Ayan na, susubukan ko talagang maging maharot —ay este— masayahin pa yung bida natin! Aja! Labyu kung nasaan ka man. Ahe!
——————————
NAGISING ako ng maaga, kaya naman dali-dali akong lumabas para maghanap ng agahan para kay Rain.
Speaking of Rain, nakauwi na kaya yon? Pano naman kaya nakauwi yun? Uhuhu! Gusto ko na siyang makita at malaman kung okay lang siya.
Kagabi, hindi ako nakapagsulat ng isang chapter kakaiisip kung okay lang siya. Grabe talaga naloloka ako feeling ko nga asawa ko na siya. Pero siyempre, hanggang imagination na lang yun. Hays.
Simula nung highschool, walang nangyari saking romantic. Lahat kasi ng romantic na mga naiisip ko, hindi naman nangyayari sa totoong buhay. Kaya, dahil sa mga frustrations ko sa mga crushes na hindi rin naman ako crush, nagawa ko ang alter-ego ko na si Miss Sotanghon. At after 10 years, ngayon lang ulit ako nagkamental block.
"Umpf! Lagot ako sa mga readers kong ito kung walang pasabi akong hindi mag-uupdate! Umpf!" Aniya ko ng makalabas sa Starbucks para bumili ng agahan. Bitbit-bitbit ko ang akig mga paper bags nang biglang may kumalabit sa akin likuran.
"Psst. Prinsesa?" At sumalubong sakin ang nakakabulag na ngiti ni Cloud. Waw, super cheerful and jolly good fellow.
"Cloud?" At hinarap ko siya. "Tama ako diba?" Pacute ko pa.
Hoy, kala ko ba TeamUlan tayo.
"Kala ko nagkamali ako! Ikaw nga!" At inilahad niya ang kanyang mga kamay "Tulungan na kita?"
Wow! Gentleman! Uhuhu!
"A-ah, sige!" At iniabot ko sa kanya yung isang paper bag na naglalaman ng agahan ni Rain. Hawak hawak ko naman yung akin. Sa panahon ngayon, pantay na ang babae at lalaki. Kaya pantay rin ang binigay ko sa kanyang bagahe hehe.
"Kala ko aabot mo sakin lahat." Kumento niya nang magsimula na kaming maglakad sa sidewalk pabalik sa condo. Iiwan ko na lang kasi kay Kuya Chief yung agahan ni Rain at diretso na ako sa school para magsimula na sa decors at preparations ng Interactive Night.
"Ah! Eh dapat pantay tayo!" Sabi ko sa kanya. "Sa panahon ngayon, pantay na ang babae sa lalaki. Pero, salamat pa rin Cloud." At feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking pisngi.
"Youre welcome." At ngumiti nanaman siya sakin. Nanginig tuhod ko.
"Well, kumain ka na ba?" Kasi ako hindi pa eh. Gusto ko sanang sabihin sa kanya kaya lang parang pabebe much.
Nakangiti pa rin siya at tumingala sa orange na langit. Papasilip pa lang si Haring Araw. "Hindi pa nga eh. Ikaw ba?"
Natawa ako. "Hindi rin." Ayan. Nasabi ko rin sa hindi pabebe way. Haha! "Idadaan ko muna to kay Kuya Chief." At tinuro ko yung hawak niyang paper bag.
"Ha?" At mukhang naguguluhan siya kaya naman inexplain ko na lang sa kanya at sinabi, "para kay Rain. Nasa ospital siya ngayon. Babalik din siya ngayong umaga."
At mukhang naintindihan niya ang aking tinuran ay tumango na lang siya at nanahimik hanggang sa makatrating na kami sa pintuan ng condo building.
"Heto, kuha ka lang diyan ng muffin." At iniabot ko sa kanya ang aking paper bag ma pang-agahan ko. "Ibibigay ko muna yan kay Kuya Chief." At sabay iniabot niya sa akin ang paper bag na hawak niya kapalit ang akin.
Lumapit ako kay Kuya Chief at kinausap siya. Sinabi ko sa kanya na nasa ospital si Rain kagabi at kung pwede ay iabot niya ang agahan na ito sa kanya. Pumayag naman si Kuya Chief kaya naman bumalik na ako sa nakatayong bulto ni Cloud.
BINABASA MO ANG
In My Head [ON-GOING]
RomanceWARNING: SPG | ON-GOING Series Meet Ayaka Mendoza, Aya for short. She is your typical college girl with a dirty little secret...she is a smut writer as Miss Sotanghon by night and she's totally rocking it! Pero despite of her billions of fans, nob...