Kiera, ang tawag sa mga piling babae na may taglay na kapangyarihan para tukuyin ang kahit sino mang bampira na nagpapanggap na tao. Ngunit gaano man sila kalakas para makipaglaban sa mga bampira ay may hangganan din ang kanilang kapangyarihan. Sa oras na magamit nila ang buong lakas nila ay magiging isang ganap na bampira rin sila.
“Nagbibiro ka ba?! Ano nga ulit yung rank mo?” mapanghusgang tanong ng isang Kiera sa kasamahan nito sa misyon.
“27TH.” maikling sagot naman ng babaing tinatanong.
Kitang-kita sa mga mata ng mga kasamahan niya na hindi ang mga ito pabor na makasama siya sa misyon na ibinigay sa kanila.
“Erina, tama na yan. Baka naman may espesyal siyang kakayahan kahit na mababa ang numero niya.” suway ng kanilang pinuno sa misyon.
“Kakayahan? Sa tingin ko hindi siya magtatagal ng ilang minuto bago mapatay ng kalaban.” mapang-uyam na sabi naman ng babaing si Erina.
“Ano ulit ang pangalan at numero mo?” tanong ni Mira, ang team leader sa naturang misyon.
“Natashia, number 27.”
‘Hindi ko alam kong bakit ka ipinadala sa misyon na ‘to kahit na mababa pa ang numero mo. Pero ano itong pakiramdam kong kakaiba?’ isip-isip ni Mira habang nakatingin kay Natashia.
“Talaga lang ha, sa tuwing tinitignan kita ay nangingilabot ako na para bang ikaw ang pinakamalakas na Kiera na nakaharap ko.” naiiling na pahayag ni Mira.
Natashia, gusto pa kitang makilala.
A/N : This story is connected to the 'Vampires' Obsession'. I suggest you to read that story if you haven't read it yet. Just check on my works.
Disclaimer: All the medias/photos used in this story belongs to the rightful owners. I do not own any photo/media used in this story.
This story is based on author's pretty imagination. DO NOT PLAGIARIZE!
"PLAGIARISM IS A CRIME"
BINABASA MO ANG
The Golden Witches
VampireAside from wolves...kieras--vampire hunters exist to slay every single vampire in the world. A kiera is a half human and half vampire. They can kill vampires easily using their swords. They're far more talented than ordinary vampires....but there's...