Natashia's POV
Isang malakas na batok ang ginawad sa'kin ni Veronica pagkatapos ibigay sa'min ang nakatakdang lugar na dapat namin bantayan at pangalagaan laban sa mga bampira.
"Bakit kasi hindi ka nagi-insayo ng mabuti kaya tignan mo ang nangyari!" sermon niya.
"Kontento ka na ba niyan? Ha? Na ikaw yung pinaka panghuling kiera?!" dagdag pa niya.
"Wala namang masama dun ah." tugon ko.
*Pak!*
Napahimas naman ako sa batok ko nang muli niya akong batukan.
"MASAMA YUN NATASHIA! SOBRANG SAMA!" gigil niyang sabi.
"Alam mo na naman na kapag mababa ang numero mo ay sa pinaka delikadong lugar ka nila ipapadala hindi ba?!"
Kahit saan naman ay delikado eh, basta maraming bampira sa paligid ay walang lugar na masasabing ligtas.
"Hindi na tayo pwede laging magkasama! Natashia, kailangan mong maging maingat. Papatayin kita kung magpapatalo ka sa mga bampira!" isang mahigpit na yakap naman ang isinukli ko sa kanya.
"Ikaw din, manatili kang buhay."
Nagsimula na kaming umalis patungo sa iba't-ibang lugar na dapat namin bantayan.
"Filahendra City." basa ko sa mapang ibinigay sa'kin.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na ding umalis.
Seth's POV
Babalik ba o hindi?
Kanina ko pa pinag-iisipan kong kailangan ko bang bumalik sa lugar ng mga Kiera o hindi.
Hindi naman nila ako nakikita.
"AISSSH!"
Napahampas ako sa mesa.
Bakit kasi hindi ako maalala ni Natashia?!
Simula nang huling pagkakataon na angkita kammi sa kabilang mundo ay hindi ko na siya ulit nakita dun.
O mas tamang sabihin na hindi na siya ulit bumalik dun.
Hindi na ba siya natutulog?
Mahigpit naman akong binabantayan ni Martin simula nang huli akong lumabas ng bahay.
"Hindi ka makakatakas sa pagkakataong ito Seth." sabi pa niya habang matiim na nakatingin sa'kin.
"Martin, pwede ka naman sigurong lumabas kahit sagit hindi ba?"
Para naman magkaroon ako ng konting pagkakataon na takasan ko.
"Hindi kita bibigyan ng kahit konting pagkakataon para tumakas." malamig niyang tugon.
AAAARRRRGGGGHHH!
Nakakatakot din ang lalaking 'to eh. Nakakaya niya talagang basahin ang isip ng iba at pati na din ang galaw.
Lahat ng halos ng mga bampira ay nakakaya nilang basahin ang isip ng iba pero mas matalas ang kakayahan ng mga Vinsmoke sa larangan na to.
"Thanks for the compliment." nakangising sabi niya.
"Kailan ka pala babalik sa inyo?" tanong ko naman sa kanya at hinayaan na ang plano kong umalis para lumabas ngayon.
"Pagkatapos kong sunduin si Margaret sa bahay nila staka ako uuwi sa'min." sagot naman niya.
"Ohhh! Yung sadistang bampira ba?" paninigurado ko.
"Hindi siya sadista okay? Talagang mainitin lang ang ulo niya." depensa naman niya.
"Bakit mo naman siya kaialangan sunduin?"
"Hindi mo ba nabalitaa? Nagkalat na ang mga Kiera. At may isang nagbabantay sa Filahendra. Doon nakatira si Margaret." pagpapaliwanag niya.
"Hindi naman siya siguro mapapatay ng Kiera na yun." pabalang kong sabi.
"Seth, hindi natin alam kung gaano kalakas ang mga Kiera. Kaya mas makakabuti kung mag-iigat tayo." seryoso naman niyang paalala.
"Okay, sama ako."
"Saan?" nagtataka niyang tanong.
"Filahendra... Gusto kong makita ng malapitan ang Kiera na tinutukoy mo."
Natashia's POV
Ilang araw na akong nandito sa lugar na 'to. Ilang mga bampira na din ang napaslang ko. Yung iba ay nakakaligtas at marahil ay alam na ng iba pang mga bampira na nandito ako.
Kasalukuyan kong hinahabol ang isang babaeng bampira. Mabilis siya. Hindi ko siya kayang abutan kung hindi ako gagawa ng paraan.
"Tsk." wala kang ligtas sa'kin ngayon.
Tumakbo ak nang mabilis patungo sa isang gubat sa kanlurang bahagi. Sigurado akong doon ang punta niya.
Nang makarating ako sa gitna ng gubat ay isang mabilis na hangin ang dumaan sa harapan ko.
Naramdaman ko naman na may kung anong umaagos sa katawan ko.
Yumuko ako at hindi makapaniwala sa nakita ko.
Isang malaking sugat na dulot ng mahahabang kuko ng bampira.
Dumating na ang target ko. Kakapasok pa lang niya sa gubat.May isang lalaking lumapit sa kanya at mabilis silang nawala.
Sinapo ko naman ang sugat ko hanggang sa maramdaman kong bahagya akong lumulutang sa hangin.
-----TBC
BINABASA MO ANG
The Golden Witches
VampireAside from wolves...kieras--vampire hunters exist to slay every single vampire in the world. A kiera is a half human and half vampire. They can kill vampires easily using their swords. They're far more talented than ordinary vampires....but there's...