Chapter 7 {He's the King}
Sa mundo ng mga bampira, hindi yaman ang basehan ng kapangyarihan kung di ang taglay na lakas at kakayahan.
Isa sa pinakamalakas at maimpluwensiyang pamilya ang mga Lachouvez.
Hindi lang dahil sa malalakas sila at kilala saang panig man ng mundo.
Ang isa sa mga dahilan ay dahil sa nag-iisa nilang anak. Si Seth Lacouvez.
Sa murang edad nito ay nakitaan na siya ng kakaibang lakas at kapangyarihan. Nakakaya niyang kontrolin ang panahon at ang pakikisabay sa hangin ay isa lamang sa kaniyang mga libangan.
Walang may mas bibilis pa sa kanya na bampira. Sinbilis niya ang hangin at sinlakas ang kulog. Kung kanyang ipinagsama ang dalawa niyang naturang kakayahan na ito as masasabing mahihiya ang kidlat sa taglay niyang lakas at bilis.
Ngunit hindi lamang ganun ang mga kakayahan niya at marami pang iba.
Hindi man nasasabak sa isang tunay na labanan ang binata ay natitiyak ng kanyang mga magulang at ng iba pang nakakatandang bampira na isa siyang espesyal sa lahi ng mga bampira.
Nakakaya niyang tawagin ang bagyo at mga sakuna sa tuwing masama ang loob niya o sa sobrang galit.
Nakakaya naman niyang gawing maaliwalas ang panahon kung gugustuhin niya, kahit pa na may malakas na bagyo.
Ang iba sa mga kaya niyang gawin ay hindi pa niya nadidiskubre kung kaya't mas lalong natatakot ang karamihan sa kaniya.
Maliban sa taglay niyang mga kakayahan ay naiiba din ang kanyang anyo kumpara sa ilang mga bampira.
Nagiging kulay asul ang mga mata niya sa tuwing nagbabadyang lumabas ang mga pangil niya. Hindi katulad ng iba, na nagiging pula ang mga ito.
Maraming nagsasabi na hindi lamang siya isang bampira, at isa rin siyang demonyo.
Dahil sa kaya niyang kontrolin ang hangin tulad ng isa sa mga kapangyarihan ng isang demonyo, ay mas kilala siya bilang " blue-eyed demon."
Hindi man pinapansin ng binata ang mga usapin tungkol sa kanya ay alam niya kung ano talaga siya.
Alam niya ang tungkol sa kakaiba niyang kapangyarihan at sa mga responsibilidad niya sa kanyang mga kalahi.
Seth's POV
Nakahiga ako sa aking kama ng marinig kong may kumakatok sa bintana.
"It's nonsense Martin." bored kong sabi sa kumakatok.
Ilang saglit lang ay nasa loob na siya ng aking silid.
"Just wanna try knocking sometimes." naka shrug niyang paliwanag.
"Kung susugod ka sa kuta ng kalaban bakit hindi mo subukang kumatok muna?" sarcastic kong sabi.
Hindi naman niya kailangan kumatok sa bintana dahil bukas naman ang pinto.
"So, saan ka galing noong isang araw?" tanong niya at nahiga sa tabi ko.
Napangiti naman ako nang maalala ko ang nangyari noong araw na yun.
"Hoy!" siiko naman niya ako pero hindi ko nalang pinansin.
"Huwag mong sabihin na nagkita kayo ng Kiera na yun?" naniningkit ang mga matang tanong niya.
Masuri niya akong tinignan ngunit hinayaaan ko na lang.
"Listen Seth. Whatever you're thinking of about her all this time. Don't. Stop it." seryoso niyang sabi.
May kakayahan siyang basahin ang nasa isip ng iba. Hindi kaya alam niya ang iniisip ko?
"Martin, you promised me not to use that against me!" singhal ko sa kanya.
"Yeah, but not when I have to. Remember Seth, you're our hope. You're the strongest and our....King."
----TBC
BINABASA MO ANG
The Golden Witches
VampireAside from wolves...kieras--vampire hunters exist to slay every single vampire in the world. A kiera is a half human and half vampire. They can kill vampires easily using their swords. They're far more talented than ordinary vampires....but there's...