Chapter 3: Order

506 37 3
                                    

Hindi man kasing bilis ng hangin ang dalaga ay naiwasan naman niyang makagat ng bampira na nasa harap niya.

“You’re not going anywhere!” sigaw ng bampira at wala pang isang segundo ay hawak na niya ulit ang babae sa leeg mula sa likura nito.

“Hindi mo naman siguro sisipsipin ang dugo ko di ba? Kung hindi mo pa alam mas masahol pa sa patay na daga ang amoy ng dugo namin.” malamig na pahayag ng Kiera.

“Talaga ba? Bakit sa tuwing naaamoy ko ang masahol mong dugo ay mas lumalaki ang pagnanasa kong patayin ka?” nakangising sabi ng bampira at agad na sinubukang kagatin ang leeg ng babae.

Sa pangalawang pagkakataon ay nakaiwas ang babae.

“Hindi lang pala kayo halimaw. May sira din ang tuktok niyo.” walang ganang sabi ng Kiera at isang saglit pa ay hawak na nito ang espada niya.

“Mukhang minamalas ka ngayon.” dagdag pa nito.

Hindi naman makagalaw sa kinatatayuan ang binata sa sobrang pagkamangha nito sa kanyang nakikita.

Naging kulay ginto ang buhok ng dalaga ngunit nanatiling kulay pula ang mga mata nito.

“Napakaganda.” mahinang usal ng bampira sa sarili niya.


Seth’s POV

Hindi pa ako nakakita nang ganito kagandang tanawin sa buong buhay ko.

Kung ganito lahat kaganda ang mga Kiera ay hindi ko na sila ituturing na kalaban.

Napatawa naman ako sa naisip ko.

“Ayokong makipag laban.” sabi ko at itinaas ang mga kamay ko tanda ng pagsuko.

“Sino ba ang may sabi na kailangan ko ng pahintulot mo bago ka patayin?” kanina pa ako nakikipagpalitan ng salita sa babaeng ito at napapansin ko na palaging malamig ang tono ng boses niya.

Napailing na lang ako ng nagsimula na siyang sugurin ako. Hindi ko man nais namagtago ay ayoko naman na makipaglaban sa kanya.

Nakisabay ako sa hangin at tiyak akong hindi niya ako makikita.

“Babae, bakit pula ang kulay ng mga mata mo?” tanong ko sa kanya at agad din na lumayo upang maiwasan ang mga atake niya.

Napapangiti ako sa tuwing sinusubukan niyang hiwain ang hangin sa paligid niya.

Ayoko nga kasing makipaglaban.

“Bakit ko naman sasabihin ang bagay na hindi ko din alam?” malamig na naman niyang sagot.

Hmm…so hindi niya din alam kong bakit kulay pula ang mga mata niya gayon na hindi siya bampira?

“Bakit hindi mo pinatay ang mga nambastos na tao sa’yo kanina?” tanong ko ulit.

“Hindi kami pwedeng pumatay ng tao.” maikli niyang sagot.

“Kung ayaw mong makipaglaban dahil sa takot ka pang mamatay ay aalis na ako. Wala akong panahon sa kalokohan mo.” dagdag pa niya at inayos na ang mga gamit niya para umalis.

“Bakit naman hindi niyo pwedeng patayin ang mga tao?” tanong ko pa.

“Hindi kami tulad niyo na mga halimaw. At as lalong hindi namin sinusuway ang utos ng nakakataas.” sagot naman niya.

Halimaw. Naturingan kaming halimaw dahil natural na kaming malakas at nangyari na dugo ng tao ang tanging makakpanatili ng buhay namin.

Eh, ikaw? Hindi ka ba halimaw? Hindi ka rin naman tao ah.

“Sa susunod na magkita tayo, papatayin na kita.” tugong niya bago maglakad paalis.

Dahil hindi naman niya ako nakikita ay tahimik ko siyang sinundan hanggang sa makarating siya sa labas ng gubat.

“Sa susunod na makita mo ako ulit ay aangkinin na kita.” bulong ko sa kanya bago ko siya tuluyang iniwan.


* * * * *

“Seth!” napalingon naman ako sa lalaking tumawag sa’kin.

“Yo Martin. Bakit naman mukha kang sobrang pagod?” tanong ko sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang silid-aklatan.

“Saan ka ba nanggaling?!” sigaw niya mula sa likuran at naramdaman ko naman na sumusunod siya.

“Gubat.” maikli kong sagot at binuksan na ang pinto nang silid-aklatan.

“Why so careless?! Hindi mo ba alam na pinarusahan ang mga taga-sunod mo nang umuwi silang hindi ka kasama?!” umuusok sa galit na pahayag niya.

“Ngayon alam ko na.” pabalang kong sagot at inabot ang aklat na hinahanap ko.

“Seth! You have to be more caref---”

“Shut up Martin. May babasahin lang ako.”

Tumahimik naman siya at tinignan ang hawak kong aklat.

“Kiera? Kailan ka paa naging interesado sa mga Kiera?” tanong niya.

“Ngayon lang. I’ve seen one of them today.” pagkukwento ko.

“Holy cow!! Pinatay mo ba????” eksaheradong tanong niya.

“Bakit ko naman papatayin?” tanong ko.

“Dahil ikaw ang papatayin nila sa oras na magkita kayo ulit.” seryoso niyang sabi.

“Seth, kahit na gaano ka kalakas ay hindi mo dapat ginagawang biro ang mga kalaban. Vampires should slay Kieras or we get slayed. That’s the golden rule of being us.” dagdag pa niya at lumabas na ng silid.

“I’ll make her stay on my side then.”




----TBC

The Golden WitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon