Sa hilagang bahagi ng gubat ay matatagpuan ang isang kweba na dati ay pinamamahayan ng ilang mga mababangis na hayop.
Mahigit walong talampakan ang taas at nasa dalawang metro naman ang lawak ng bunganga nitong kweba.
Limang metro mula sa labasan nito ay may isang butas na mahigit limang talampakan ang taas at 4 na talampakan ang lawak.
Kapag pumasok ka sa loob ng butas ay maririnig mo ang mahinang agos ng tubig mula sa ilog na nasa labas ng kweba. Malawak sa loob at katamtaman lamang ang temperatura.
May isang malaking mala-batyang bato naman sa gitna na may laman na tubig na nagmumula sa isang maliit na kanal na kung susuyurin ay nakakabit sa ilog na nasa labas lamang ng kweba.
Nagmistulang maliit na swimming pool ang bato dahil sa umaapaw nitong tubig.
Dahil sa sinag ng araw na tumatama sa malilit na butas nang pinagdikit na mga bato na naging kweba, hindi naging masyadong madilim sa loob nito.
Ngunit hindi din masyadong maliwanang kung kaya't kailangan ng sino man na mag ingat kapag pumasok dito.
Tahimik anng paligid sa loob at tanging ang umaagos na tubig lamang ang maririnig.
Walang anu-ano ay isang malakas na sigaw ang naghari sa loob ng kweba.
Seth's POV
Awwww!
Napapikit naman ako sa sobrang sakit na dulot ng pagtadyak niya. Hindi gaanong malakas ang pagkakatadyak niya ngunit dahil sa bakal ang suot nitong sapatos ay mas naging masakit ang impact bito sa ulo ko.
"Papatayin mo ba ako?!" bulyaw ko sa kanya habang pilit na tinatayo ang sarili ko.
"Kasasabi ko lang hindi ba? Nasaan ang espada ko?"malamig niyang tugon.
Bakit ko naman sasabihin kung gagamitin mo yun sa pagpaslang sa'kin!
"Ewan." masungit kong sabi.
Masama ang loob ko:
Una: Siya si Natashia at hindi niya ako kilala.
Pangalawa: Siya si Natashia at hindi niya ako maalala.
Pangatlo: Siya si Natashia at kahalikan ko siya sa kabilang mundo pero hindi na pwede ngayon kasi galit siya sa mga bampira.
Pang-apat: Siya si Natashia na tinulungan ko pero may balak siyang patayin ako!
"NATASHIA!!"malakas kong sigaw at lumingon naman siya.
"Hindi mo man lang ba ako pasasaamatan?" malungkot kung tanong sa kanya.
Sandali niya lang akong tinignan at muling naghanap ng espada niya.
Nakabusangot ang mukha ko na naglakad papunta sa gitnang bahagi ng kweba kung saan may isang mala batyang bato.
Lumusong ako dito at kinuha ang espada niya.
"Tsk! Here." sabi ko at itinaas ang espada niya.
Hindi man lang nagtagal ay nabitawan ko ito sa sobrang bigat. Gawa ba sa ano ang espadang 'to?
Naglakad naman siya palapit na seryoso ang mukha. Teka, palagi namang seryoso ang mukha niya eh. -_-
Tinignan ko lang siya nang kunin na niya nag espada niya at inilagay sa lalagyan nito na natatakpan ng kapa niya.
"Hindi ko alam kung bakit mo 'ko tinulungan. Pero dahil sa ginawa mo ay hindi muna kita papatayin." malamig niyang sabi.
As if naman na mapapatay mo ako.
"Stay with me." mahina kong sabi pero siniguro kong narinig niya ito.
"You owe me your life so stay with me."
----TBC
BINABASA MO ANG
The Golden Witches
VampireAside from wolves...kieras--vampire hunters exist to slay every single vampire in the world. A kiera is a half human and half vampire. They can kill vampires easily using their swords. They're far more talented than ordinary vampires....but there's...