Chapter 44 - Bye, Kyle

1.1K 70 16
                                        

Dinala ni Kyle si Dane sa hindi mataong lugar sa Greenwood. Mga puno ang nasa paligid nila. May mga ilang bahay sa paligid. Mula sa kung nasaan sila ay dinig ang mga kwentuhan, tawanan, tunog ng mga kubyertos. Ngunit mas malakas ang huni ng mga kuliglig sa paligid. Hindi niya inusisa ang kasama dahil may tiwala siya sa kanya.

"Alam mo minsan kapag gusto kong mapag-isa, pumupunta ako kahit saan."

Ngumiti si Dane. "Gaya ng Space Needle?"

Bahagyang tumawa si Kyle.

"Hindi naman ito papuntang Space Needle eh."

Hindi umimik si Kyle. Ginala niya ang tingin sa paligid na parang may sinisiguro o hinahanap.

"Ano ba yung gusto mong sabihin?" usisa ni Dane.

"Hanggang ngayon hindi mo pa alam." Tumingala si Kyle na para bang tinitingnan ang mga sanga ng punong walang dahon. "Kaya humahanga ako sa'yo, Dane."

"Hindi kita maintindihan." At hindi niya alam kung nagbibiro ba ang kausap o ano.

"Sa napakaraming beses na pwede mong tingnan ang laman ng utak ko, hindi mo ginawa."

"Ano?"

"Kaya mas nagustuhan kita."

"Kyle?"

"Kasi pinagkatiwalaan mo ako nang husto."

"Ano ba 'to?"

"Kahit na hindi ako deserving sa tiwala mo." Humarap si Kyle sa nalilitong kasama. "I'm not what you think I am." Seryoso ang itsura niya.

"What are you talking about?" Naghalo ang pagkalito at pagkairita sa mukha ni Dane.

"Dane..." Hinawakan ni Kyle ang mga bisig ni Dane at taimtim siyang tinitigan. "I am a secret agent."

Natawa si Dane. Tinuro-turo niya pa ang mukha ng seryosong kaharap. "Loko loko."

"You can read my mind. I'm telling the truth."

Nabigla siya sa narinig. "Read... mind? Wait..." Inalis niya ang mga kamay ni Kyle. "What?" Sumingkit ang kanyang mga mata. Kumunot ang kanyang noo.

"Read my mind!"

Marahang gumalaw ang ulo niya palayo kay Kyle dahil sa pagkabigla. Napadilat siya. Napaatras. "Who the fuck are you?" Ginala niya ang tingin sa paligid. "What is this?" Hinahanap niya ang sinumang may gawa ng kung anumang sa tingin niya'y ilusyon o panlilinlang. "Who are you? A shapeshifter? What is this? You think you can pull off this lame trick on someone like me?"

"Listen to me!" Sa paglapit ni Kyle ay siya namang pag-atras ni Dane. "Just read my mind, and you'll know the answers."

"No." Tumawa si Dane. May parte sa kanya nagsasabing sundin ang sinasabi ng kaharap. Pero mas malakas ang sigaw ng parte ng kanyang utak na nagsasabing huwag pagkatiwalaan ang sa tingin niya'y isang impostor. "What the fuck is this? Some kind of a trap?" Muli niyang ginala ang tingin. "Frank Astor, you must be here somewhere! Stop playing psychic tricks on me, you old motherfucker!"

"Dane, what are you talking about?" Nilakasan ni Kyle ang boses. "I am Kyle!"

Tinitigan ni Dane ang kasama, at napagtanto niyang nagsasabi ito ng totoo. Kaya lang, hindi niya maintindihan ang naramdaman. Magagalit ba siya? Uusisain ba niya ito? Susugurin ba niya at sasapakin?

"I know this is absurd." Dahan-dahang lumapit si Kyle. "But I can explain."

Tila napuno ng hangin ang kanyang dibdib habang hinihintay na magpaliwanag ang sinungaling. "Tinuring kitang matalik na kaibigan." Kinuyom niya ang kamao. "Pinapasok kita sa bahay ko."

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon