Nakabukas ang bahay ni Frank Astor. Kasabay ng agaas ang indayog ng lumang pintong lumangitngit sa bawat galaw. Basa ang kalsada. Binalutan ng hamog ang lumang bakod na ang ibang parte ay tabingi na. Maging ang mga tuyot na talahib sa paligid ay binalutan ng hamog. Makulimlim na naman ang umaga, at tila uulan na naman. Mapanglaw ang itsura ng lumang bahay sa ilalim ng kulay abong himpapawid.
Nakangiti ang mamang iyon na nakatayo sa pintuan. Kumaway ito kay Dane na nakatayo sa labas ng bakuran. Pinaunlakan naman niya ang paanyaya nito na walang pag-aalinlangan. Habang naglalakad siya papasok ng bakuran ay nagbago ang itsura ng paligid. Naging luntian ang bakuran. Namukadkad ang mga bulaklak sa paligid na animo'y binungad siya sa kakaibang tagsibol. Alam niyang paparating na ang taglamig, kaya naisip niyang isa na naman itong panaginip.
Naging matingkad ang kulay ng bahay. At nang pumasok siya amoy niya ang halimuyak ng cinnamon. Tumungo siya sa hapagkainan. Kabisado niya ang bahay na ito.
Nakaupo sa dulo ng mesa si Frank Astor. Maayos ang itsura niya. Walang pilat ang kanyang mukha. Bumata siya ng dalawang dekada. "Eat your breakfast, boy." Bakas ang galak sa kanyang mukha habang nakatitig siya kay Dane.
Hindi umupo si Dane. Nakasimangot niyang sinipat ang lalaki mula buhok hanggang sa dulo ng mga kuko nito.
"Aren't you glad to see me?" Kinuha niya ang kutsilyo at hiniwa ang steak na nasa pinggan.
"How are you able to do this?" Pinatong ni Dane ang mga kamay sa mga tenga ng upuan.
"You did this." Ngumiti si Frank bago sumubo ng piraso ng karne gamit ang tinidor.
"Hindi kita maintindihan."
"Umupo ka at tayo'y mag-usap."
Umupo si Dane tulad ng sabi ng kanyang kausap.
"Huwag kang mag-alala. Wala akong maaaring gawin sa'yo." Kinuha niya ang telang nasa kandungan at pinahiran ang kanyang mga labi bago tumayo at lumapit sa panauhin. "Tingnan mo." Sinundot niya ang hangin sa harap ng nakaupong binata. Tila may salamin. Kinatok ni Frank ang tila salamin sa palibot ni Dane.
"Trickery," walang ganang saad ng binata.
"Hindi mo ba naaalala ito?"
Umiling si Dane.
"Noong nilabanan mo ako rito... ilang taon na nga ba ang nakalipas?"
"Walong taon na."
Tumango si Frank, pino ang kanyang irap. "Matagal na rin pala." Tinitigan siya nito. "Kaya pala malaki na ang iyong ipinagbago."
Umismid ang bisita. "Go on."
"Oo, noong naglaban tayo rito, hindi ko inasahang matatalo mo ako at ikukulong mo ako sa sarili kong utak."
"Blame yourself, old man." Nanatiling walang kibo si Dane. Nang tingnan niya ang pagkaing inihain ni Frank, napuno na ito ng mga uod.
"Ngunit may isa ka pa yatang ginawa noon na ngayon ko lang nadiskubre."
"Ano naman yun?"
"Ito." Tinukoy niya ang di makitang hadlang sa pagitan nilang dalawa. Sinipat niya ito na parang isang batang nakakita ng bagong laruan. "Hindi mo yata alam na noong kinulong mo ako sa sarili kong utak, gumawa ka rin ng psychic block laban sa akin." Kinuha ni Frank ang kutsilyo at tinusok ang harang. Walang nangyari. Kahit ilang beses niya itong saksakin, walang nangyari.
Nagkibit-balikat si Dane. "Sorry about that."
Ngumiti si Frank. "Magaling."
"I guess I won't have to worry much about you then."
BINABASA MO ANG
QUEER
FantasiaHighest Ranking as of 6/19/2018: #4 Paranormal #10 WattPride #53 Fantasy #4 Superpowers Matapos malampasan ang masalimuot na nakaraan sa kanyang kamusmusan ay nagpatuloy si Dane Walker sa pag-aakalang ang bangungot ay lumipas na. Kasabay ng umpisa...