Chapter 40 - Ang Umpisa ng Paghahasik ng Lagim

1.3K 76 11
                                    

Sa gitna ng kaguluhan ay kalmado si Rod Siler, ang direktor ng International Superhuman Alliance, isang malaki ngunit sikretong grupo ng mga taong may di pangkaraniwang kakayahan. Gayunpaman, marami sa mga kasapi ng organisasyon ay hindi mga others o superhumans. May mga mananaliksik, siyentipiko, at mga ahenteng regular na tao. Higit sa lahat, ang lider na si Rod Siler ay isang karaniwang nilalang na pinamumunuan ang paghahanap sa mga taong tulad nina Ryan Rodriguez at Kyle Wexner na parehong wala sa pasilidad.

"Director, what do we do?" Nanginginig ang mga kamay ni Dr. Laura Lindsay. Sa kanyang ekspresyon ay parang nakakita siya ng bagay na kahindik-hindik.

Naglakad sila sa gitna sila ng mga taong nagtatakbuhan. Iniwan ng marami ang kanilang mga silid upang tumakas. Ang mga armadong gwardiya ng ISA ay pumasok, tila hinahanap ang kung anong panganib.

"What happened before he gained consciousness?"

Umiling si Dr. Lindsay. "We don't know. We don't know what triggered it."

Tinahak nila ang mahabang pasilyo patungo sa isang parte ng pasilidad na iilang matataas na opisyales ng organisasyon lamang ang nakakapasok. Nasa labas ng silid ni Frank Astor ang mga armadong may mabibigat na kalibre ng baril.

Nagsidatingan din ang iba pang miyembro ng ISA. Nagsalita ang isa sa kanila nang hawakan ni Rod ang doorknob. "Director!" Nagpatuloy ito nang lingunin ito ni Rod. "There's too much energy inside."

"That's why you're here, Catalina." Tinuloy ni Rod ang pagbukas sa pinto, subalit nagulantang siya sa nakita.

"Director!" sigaw ni Dr. Lindsay nang muntik nang mahulog sa hukay na patungo sa nagbabagang kumunoy sa ilalim. Naging portal patungo sa impyerno ang dating silid ni Frank na wala sa loob.

"Where is he?" Hinarap ni Rod ang mga armadong nasa paligid. Wala sa kanilang makapagsabi.

THIS CONFINEMENT IS AN ABOMINATION. Dumagundong ang sigaw ng isang halimaw.

Tinakpan ng mga naroon ang kanilang mga tenga.

"He's still inside!" sigaw ni Catalina. Pumasok siya sa silid. Napasinghap ang ilan nang makita siyang nakalutang sa ibabaw ng hukay. Hindi siya nahulog patungo sa lawa ng apoy. "If I'm seeing this right, this is an illusion."

WOMAN, muling dumagundong ang boses, YOUR ABILITY TO SEE ENERGY PATTERNS IS IMPRESSIVE, BUT YOU ARE VASTLY MISTAKEN.

"Catalina!" sigaw ni Rod nang makitang nilamon ng apoy ang binibini.

"What do we do?" Nataranta si Dr. Lindsay.

Bago pa man makapagsalita si Rod ay ginupo sila ng matinding kirot sa ulo. Dumadaing ang lahat na naroon habang nakahawak sa kanilang mga ulo. Ilang sandali pa ay bumagsak ang lahat.

Umuubong namulat si Rod Siler na hirap sa paghinga. Sa bawat paghinga ay pumapasok sa kanyang ilong ang alikabok na nasa sahig. Hindi siya makabangon sapagkat may nakadagan sa kanyang likuran. Sumigaw siya. Ngunit walang tumugon. Namayani ang kahindikhindik na katahimikan.

Mas nagulantang siya nang iangat niya ang ulo't igala ang tingin sa paligid. Wasak ang isang bahagi ng dingding. Nagkalat ang basag na bahagi ng mga plorera at muwebles sa sahig. Hindi ito ang pasilyo sa labas ng silid ni Frank Astor. Ito ay bahay nila. Kung paano siya nakarating doon ay hindi niya maintindihan.

Dumapo ang tingin niya sa kanyang kanan. Gusto niyang tanungin ang sarili kung bakit tila totoo ang nakikita, kung bakit ang bangungot nang nakaraan ay narito't muling dinudurog ang kanyang dibdib. Nakadilat ang mata ng kanyang asawang may hiwa sa pisngi't nadaganan din ng mga table. Pinahiwatig ng kanyang kaputlaan at ng dugong natutuyo na sa sahig na mula sa kanyang nakabukas na bibig na siya'y wala ng buhay.

Animo'y nagkaroon ng panandaliang lakas si Rod Siler at nahila niya ang sarili mula sa mga tablang nakadagan sa kanya. Sinisigaw niya ang pangalan ng kanyang asawa habang gamit ang buong lakas upang alisin ang mga bagay na nakadagan sa kanya. Subalit malupit ang katotohanan ng kamatayang nakatambad sa kanya. Hawak pa ng ginang ang karayom sa kanang kamay habang nakakapit pa sa binuburdahang tela ang kaliwa. Malamang nawiwili ito sa kanyang malikhaing gawain nang mangyari ang marahas na pagsalakay.

Habang yakap-yakap ang malamig na bangkay ng kanyang asawa ay naalala niya ang dalawang anak. Nasa kusina ang dalawang batang babae, ang isa'y mga limang taong gulang na nakasubsob ang ulo sa mesa sa tabi ng kanyang baso ng gatas at nakahawak sa kamay ng tatlong taong gulang na kapatid na nakasubsob din ang ulo sa mesa. Parehong duguan. Parehong wala ng buhay.

Bumagsak ang mga tuhod ni Rod sa semento. Walang siyang nagawa kundi ang tumangis at sumigaw. 

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon