Chapter 1

8.6K 258 13
                                    

Dalawang reminders lang bago kayo mag-umpisa:

1) If you don't like gay themes, skip this story and find something else that suits your taste.

2) Hindi ko pa na-e-edit ito nang maayos kasi busy po ako sa work. Dapat 3rd person ito lahat pero di ko pa nababago ang POV sa maraming chapters. I hope you understand. 

Thank you.

-------------------------

Kasabay ng umpisa ng pasukan ay ang umpisa ng taglagas. Halos yakapin na ni Dane Walker ang sarili maidiin lang ang sweater sa katawan niya. Hindi niya inaasahan ang biglang paglamig ng panahon kasabay ng pamumuo ng hamog sa paligid. Basa ang kalsada. Tumutulo ang tubig mula sa mga dahon na ang ilan ay nagsimula nang maging kulay dilaw. Tanaw niya ang unibersidad mula sa kinatatayuan niya. Ngumiti siya bago magpatuloy sa paglalakad.

Nagsisiksikan ang mga papasok sa hallway patungo sa mga silid sa tanyag na unibersidad sa Seattle. Abala ang karamihan. Ang ilan naman ay tila walang pakialam. Samantala tinungo ni Dane ang silid na nakasaad sa kanyang registration. Umupo siya sa bakanteng upuan sa sulok. Doo'y tahimik niyang binuksan ang telepono at nagbasa ng isang artikulo sa isang news website. Isa sa mga nakatawag-pansin sa kanya ay ang balita tungkol sa ilang kabataang nahuling nanloob sa isang bangko. Misteryoso umano ang kaso dahil walang senyales na pinuwersang buksan ang mga pinto at kandado sa naturang pook, bagay na panandaliang naging interesante sa kanya.

Natigil lamang ang kanyang pagbabasa nang marinig ang hiyawan ng mga kalalakihan. Wala silang pakialam sa mga nasa loob na. Ang ilang nakaupo ay pinaalis nila sa kinauupuan nila. Sandaling tinitigan ni Dane ang mga ito bago bumalik sa pagbabasa. Hindi pa man niya natatapos ang isang talata ay napansin niya ang kakaibang katahimikan. Nang iangat niya ang tingin ay nakangisi sa kanya ang lalaking pamilyar.

"You're in my seat." Nakalagay sa bewang niya ang mga kamay.

"I got here first." Tinitigan ni Dane ang binata. Hindi niya nilingon ang iilang kalalakihang naghiyawan.

Ngiting aso ang ginawad sa kanya ng kaharap. "When I say you're in my seat," saad nito habang dahan-dahang nilalapit ang mukha sa nakaupo, "you're in my seat."

"Didn't you hear me?" Nakipaglabanan ng titig si Dane sa hari-harian. "I said I got here first." Bumalik siya sa pagbabasa ng aklat nang hugutin ito ng lalaki at ihampas sa ulo niya. Dahil sa pagkabigla ay naitulak ni Dane ang lalaki. Dahil sa liksi ng pagtayo niya ay natabig at natumba ang kanyang upuan. At dahil sa lakas ng kanyang pagkakatulak sa binatang palalo ay tumama ang likod nito sa kasama nitong nakaupo.

Masama ang titig sa kanya ng lalaki. Ang mga kasama niya ay isa-isang tumayo, masama rin ang titig sa kanya. Inalis nito ang kanyang jacket at pinasa sa kasamang pabirong minasahe ang kanyang mga balikat. Tinama nito ang kamao sa kabilang palad. Lumapit siya kay Dane.

Si Dane naman ay nabigla sa kanyang nagawa, ngunit hindi naman niya pinagsisihan ang pagtulak dito. Wala sa kanya na maaaring pagtulungan siya nito at ng mga kasama niya. Hinayaan niyang duruin siya nito.

"Who do you think you are?" asik ng binata.

Inangat ni Dane ang mga kamay. "I don't want any trouble." Umatras siya. "Just find your own seat so we could all settle down."

"Move" -- bigla nitong hinila ang kwelyo niya -- "or be moved."

"Is that a threat?" Hindi kumurap si Dane habang nilalabanan ang titig ng pangahas. Ramdam niya ang pagtama ng hininga ng binata sa kanyang mukha. Ramdam niya rin ang galit nito. "You can calm down now, David."

Sumipol ang isa sa mga kasama nito. "You know each other?"

Ngumisi si David. "He's a stalker." Lumingon siya sa mga kasama na nakangisi rin sa kanila. "I have a fag" -- mabagal ang pagkakasabi niya ng salitang iyon -- "of a stalker."

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon