CHAPTER 28

1.7K 89 5
                                    

Chapter 28

(Note: I'll fix the details in editing, which I'll do after finishing the initial draft. Mas gusto ko munang mabuo ang istorya kesa butingtingin ang maliliit na detalye sa settings. I hope you're enjoying the story so far. Thanks, guys!)

Madaling nakapasok ang dalawa sa Paramount Hotel. Kaswal silang pumasok sa elevator at mula rito'y tumungo sa ikalimang palapag upang hanapin ang silid ni Silvano.

"Something's not right," saad ni Dane. Mabilis silang naglalakad sa pasilyo.

"What is it?" tanong ni David.

"I'm getting hazy images in my head."

"What kind of hazy images?"

Hinarang ni Dane ang kamay sa harap ni David. "Something's wrong."

"I can't sense him anymore."

"Why?"

"It's like I see nothing but haze when I try to sense him."

"Saan mo siya huling nakita?"

"Dito." Tinuro ni Dane ang silid sa gilid nila.

Binuksan ni David ang silid na nakakapagtakang hindi naka lock. Maayos ang loob ng mamahaling silid na inupahan ni Silvano. Walang bakas na may omukupa rito. Malawak ang living room ng unit na parang isang magarang apartment. Malinis ang kulang gintong carpet. Maliwanag ang silid kahit nakapatay ang chandelier dahil nakahawi ang mga kurtina sa bintana.

Binuksan ni Dane ang pinto ng banyo. Walang tao. Hinawi niya ang mga kurtina subalit walang bakas na may nanggaling sa lugar. Maayos ang mga muwebles.

"Sigurado ka bang nandito siya?"

Hindi makasagot si Dane. Maging siya ay nalilito.

"Baka naman nagkamali ka lang."

"Hindi pa ako nagkakamali."

"So bakit walang tao dito?" Nasapo ni David ang noo. Halatang naiinis siya.

"Hindi ko alam."

"Nalintikan na." Malakas ang buntong-hininga ni David.

"Hindi maganda ang kutob ko," saad ni Dane. "Umalis na tayo rito."

Ngunit may babaeng nasa pintuan. Nakasuot siya ng uniporme ng isang hotel crew at may dalang tray na may malaking takip. Mukha siyang intsik. "What are you doing here?"

"We entered the wrong room," palusot ni Dane.

"Yeah," dugtong naman ni David, "we thought this was our room."

"We're just heading out," saad pa ni Dane.

"No." Biglang hinawakan ng babae ang takip ng tray at kinuha ang baril na nasa loob. Tinuhod niya ang tray na tumilapon patungo kay Dane.

Dahil sa gulat ay hindi niya ito na ilagan at tumama ito sa ulo niya. Narinig na lang niya ang pagtama ng metal sa matigas na bagay, at nang iangat ang tingin ay nakita niyang nakikipagbuno ang babae kay David. Maliksi ito. Hinampas nito ang metal sa mukha ni David at nasipa siya sa tiyan. Nang maitumba niya si David ay sinugod niya si Dane na hindi namalayang tumama na ang kamao ng babae sa kanyang pisngi. Sandaling nawalan ng ulirat ang binata.

"Targets down," saad ng babae na may pinindot sa kanyang kwelyo. "Prepare to capture." Nakatutok ang baril niya kay Dane. She pulled the trigger.

Tila ilang minutong tumakbo sa diwa ni dane ang isang segundong dumaan habang tanaw ang dulo ng baril kung saan umusbong ang matulis na bagay na iyon.

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon