Sadyang may mga bagay talaga na hindi natin maipipilitm
kahit gawin natin ang lahat. Lalo na kung pag dating sa pag-ibig, hindi natin mapipilit na maging masaya lang sa isang relasyon, darating at darating parin ang araw na magkakalabuan kayo pero dahil mahal nyo ang isa't-isa ay makakagawa kayo ng paraan para maayos nyo agad ang di pagkakaunawaan, pero—- ulit hindi mo mapipilit na ang taong kasalukuyan nating minamahal ay mapa-satin kung hindi naman talaga sila para sa atin.
@CoffeeShop
"Hera, maghiwalay na tayo." Agad na napatigil ako sa pagsipsip ng chocolate frappe na iniinom ko at napatingin sa kanyang mga mata.
"Lucas naman wag mo naman akong biruin ng ganyan." Pinilit kong ngumiti at magpakamanhid kahit alam kong seryoso sya sa sinasabi nya.
"Look hera, I want to end our relationship! Even my mom pinagseselosan mo. Nasasakal na ko sayo! Hindi ko na magawa kung anong gusto ko dahil lahat nalang ng kailangan kong gawin naka-depende sayo!" Iritable nyang sabi "Uunahin ko muna ang pamilya ko." Yumuko sya matapos nyang sabihin yun.
"Bakit parang kasalanan ko pa kung bakit ka nakikipaghiwalay? Diba niloko mo ko at nakipag-ayos ka sakin? Nangako ka pa nga sakin na babawi ka diba?" Inis kong sabi dahilan para mapatingin sya sakin
"Oo nangako ako sayo, pero... ayoko na. Hindi ko na kaya kung paano pa kita map-please! Kaya siguro nangyari to dahil hindi siguro tayo ang para sa isa't-isa." Nakatitig lang sya sa mga mata ko habang sinasabi nya ang mga salita nya.
"Akala ko ba mahal mo ko? Bakit, bakit parang napaka-dali lang sayo ng lahat?" Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Sorry hera. I did loved you. Pero tapos na. Napagod na ko. Ayoko na. Kung tayo, tayo." Ang huling salitang binitiwan nya bago nya ko tuluyang iwan.
Pero ang masakit don, hindi ko nakita sa kanyang mga mata yung pagmamahal na meron sya sakin noon.
Gusto kong sumigaw, gusto kong magmura at isigaw lahat sa kanya lahat ng sama ng loob na kinimkim ko pero napipe ako. Wala akong nasabi hanggang sa umalis sya basta ang nararamdaman ko nalang ay yung sakit at pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko.
God, I'm crying.
~*~
I tried to reach him out, nakipag-ayos ako dahil akala ko maaayos ko pa ang relasyon namin, Oo naghabol ako dahil ayokong mawala sya. Mahal na mahal ko sya pero ayaw nya na... talaga. Sumuko na sya. At ang sakit sakit lang.
YOU ARE READING
Dear Future Husband
General FictionDon't read this masyadong masakit hahaha charingggg