Nang makarating si Hera sa classroom nila ay nakita nyang nagtuturo na ang kanilang Propesor. Gigil syang napapikit sa inis dahil na-late sya ng pasok sa unang araw nya sa skwelahan na ito. Isa pa nahihiya sya dahil halos kumpleto na ata yung mga students sa classroom at sya nalang ang kulang.
Kumatok muna sya bago nya pihitin ang door knob para makapasok dahil dun naagaw nya ang atensyon ng lahat ng kaklase nya maging ang kanyang propesor.
"G-good morning po, sorry I'm late." Nahihiyang sabi nya. Ini-ikot nya ang paningin nya at medyo natawa sya nang may makita syang lalaking student sa gilid na natutulog, nakatakip ang mukha nito kaya di nya mamukhaan.
"Are you Miss Montecarlos the transferee?" Baritonong tanong ng propesor sa kanya.
"Yes po." Naiilang na talaga sya sa tingin ng mga kaklase nya, parang gusto nya nang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan na na-late sya.
"Since we're discussing about this jeepney..." turo ng prof nya sa board. At dun nya napansin na may naka-drawing sa board ng Jeepney at may mga taong nakaupo rito. Unang tingin palang ay alam na niya ang gustong iparating ni prof. Ong
Hindi nya na pinatapos magsalita si Prof. Ong ay sinagot nya na agad ang nakahandang tanong nito sa kanya. "As I can see the jeepney concept is resembled as the government."
Napa-wow yung iba nilang kaklase, yung iba naman ay nayabangan sa kanya.
Napataas ng kilay si prof. Ong, "Good then, how would you explain this one?" Tanong niya kay Hera sabay turo dun sa taong nakahawak sa sabitan ng kamay sa jeep.
Ngumiti lang si Hera at maayos na sumagot, "Yung mga taong nakakapit ay nagreresembles sa mamamayan ng bansa, habang ang kinakapitan nila ay yung gobyerno. Halimbawa nalang po yung nangyaring pagsira ng bagyong yolanda sa bansa natin, nangailangan ang mga mamamayang nasiraan kaya ang gobyernong kinakapitan ang nagbibigay tulong sa mga nasalanta ng bagyo."
"Magaling Miss Montecarlos." Sabi ni prof Ong.
Agad namang lumikha ng ingay at usap-usapan ang mga kaklase nya sa nangyayari.
"Quiet." Masungit na sabi ni prof ong sa klase kung kaya't napatahimik ang mga ito.
Lingid sa ka-alaman nya ay mapapa-upo na sya ng kanilang guro ngunit umatake pa ito ng isa pang tanong. "Paano mo naman ie-explain sakin ang driver ng jeep?"
"That driver stands for the President of our country, sir. He's the one who's responsible to make our government to move." Confident na sagot ni Hera.
"How about the machines of the jeepney? What are their functions?" Tila'y ayaw syang tantanan ng kanyang guro.
"The machines of the jeepney resembled as the department of the government, they are responsible to help the president in order to move."
'Ang galing nya grabe'
'Wow! Sinagot nya lahat ng tanong!"
'Ang hirap ng subject ni sir pero pagdating sa kanya sisiw!'
'Mahilig pa namang mang-bagsak si sir ong pero mukhang napahanga nya!'
Rinig na rinig na bulungan ng mga kaklase nya.
"Magaling Miss Montecarlos, but I have one last question." Nakangiting sabi sa kanya ni sir Ong
"What is it, sir?" Medyo kinakabahan na talaga sya. Lalo na't bulung-bulungan na sya sa klase.
"What will happen if the jeepney don't have a gas? How would you explain that?"
Napa-isip sya saglit sabay ngiti ng malawak, "The jeepney won't move, sir. So as the government without tax. That's all sir, thankyou!"