"Henry Martensen" agad na napatingin si Hera sa biglaang pagsabay ng pagbabasa sa kanya ng isang lalaki.Tinitigan nito yung lalaki ng malamig, napatingin ang binata sa kanya, nginitian sya nito na animo'y nasa commercial ng colgate. Napakatangos ng ilong, nakataas ang buhok na kulay brown, at may dimples sa kanang pisngi ng ngitian sya nito.
-x-Hebrew Nathan Martensen's POV
"Hoy Nikolai! Wag mo kong inuutakan pagdating sa pagkain at baka masapak ko yang mukha mo!" Sigaw ko sa kaibigan ko.
Nandito kami sa canteen ng Erden Academy which is owned by my father Henry Martensen. Ito yung business na ipinagkatiwala sakin ni dad.
5 months narin kaming nandito ni Nikolai, tumutulong din sya sa pagpapalakad ng school na to.
Eto nga nababadtrip ako kay Nikolai dahil lagi nya kong nau-unahan sa pagkain. Ako ang bumili ako ang nauubusan. Siraulo talaga tong kaibigan ko, matakaw pa sa matakaw.
Kasalukuyan kaming pumapasok sa school na to bilang istudyante, naisip lang namin ni Nikolai na ito yung way para malaman namin yung side ng mga students.
Nakatapos na kami ni Nikolai ng pag-aaral, naisipan din naming pumasok dahil nakaka-miss din talagang mag-aral ulit.
Yung may mga code name sa teacher, yung kodigo na high-tech nakashare-it friend! 😂 Maging yung pag-aasaran at bully-han ng mga istudyante, lalo na ang makabuo ng magandang samahan sa isang section.
We're taking Bachelor in Public Administration since tapos na namin ang kursong business ad. Public administration is related to Political Science, pagma-manage ang turo nito kaya ito ang pinili namin para aralin.
"Gusto ko pang kumain ng marami pre! Kaninang umaga ba naman, may babaeng nang-snob sa kagwapuhan ko! Hindi ko matanggap!"
Natatawa ako habang nagku-kwento sya, yung itsura nya kasi mukhang tanga e. 😂
"Hindi ka naman kasi gwapo pre." Banat ko sa kanya.
"Alam mo yung tipong ang ganda ng ngiti ko sa kanya pero pre, walang epekto!" Nguma-ngawa nyang sabi habang nilalantakan yung fried chicken.
"Sayang, ang ganda pa naman nya." Dagdag pa nito. Inubos nya ang tubig at tumayo para kumuha ng panibagong tubig.Yung tinutukoy nya ay yung babaeng nakita nya na nagbabasa sa bulletin board. Hindi ko naman alam na may pinopormahan sya kaya tinawag ko sya nun para kumain HAHAHAHA.
Hindi ko narin nakita yung mukha nung babae kasi nakatalikod lang ito sa view ko.
Kaya pala ang sama-sama ng tingin sakin kanina ni Nikolai, lumalandi na pala HAHA Dapat lang sayo yan pre. 😂
Nang makabalik sya ay inilapag nya yung tubig sa table. Nginitian ko lang sya ng nakakaloko.
"What?!" Iritado nyang tanong sakin. Na-upo sya sa harapan ko.
Umiling-iling lang ako. "Nga pala, how's the enrollment?" I asked.
"Ayun sobrang daming nag-enroll, ang report sakin ni Ma'am Ladia ay nasa 10,000 students ang nakapasok sa school from highschool to college."
"Ano pa?"
"May nakapasok daw dito na scholar pre. Top student from another school. High school daw yun, balita ko sobrang talino daw at napakalakas ng dating sa mga babae!"
"Where did you get that news?"
"San pa nga ba? Edi dito sa school! Pinag-uusapan ba naman yun simula kaninang umaga e."
YOU ARE READING
Dear Future Husband
Ficción GeneralDon't read this masyadong masakit hahaha charingggg