@Vancouver Canada"Kuyaaaa wake up! Wake up!" Sigaw ng dalagang si Hebrea sa kanyang kuya na natutulog pa. Pinaghahampas pa nito ng unan ang kuya nya ngunit di parin ito natitinag sa sarap ng tulog.
"Brea!" Nagising si Hebrew sa ingay ng kanyang nakababatang kapatid na si Hebrea.
"Bumangon ka na kasi kuya, kailangan mo kong ihatid sa school!" Pangungulit pa nito.
Inis nyang sinulyapan si brea kahit na mamikit-mikit pa ang mata nito.
"Why me?! Kay roger ka nalang magpahatid! Natutulog pa ko oh!" At tinakpan nito ng unan ang kanyang tenga para mabawasan ang ingay ng bunganga ni brea."Moooooom! Si kuya ayaw akong ihatid sa school!"
Agad napabangon si Brew nang marinig nyang tinawag ng kapatid nya ang mommy nila.
"Nandito na sila mom?" Takang tanong nila.
"Yes kuya kagabi pa. kaya ikaw ang maghahatid sakin ngayon dahil si roger ang magd-drive ng kotse nila mom." Nakapamewang na sagot nito.
Dumating ang mommy nila para pakilusin na ng mabilis si Brew. Pero bago yon nag-asaran pa silang magkapatid nung nasa hapag kainan na sila para magbreak-fast.
"Bat di nyo manlang ako sinabihan na uuwi kayo mom, para naman nasundo ko kayo sa airport?" Sabay tusok nya sa hotdog.
"Gusto ko sana kayong i-surprise kaya lang pagkauwi ko, hilik ka na ng hilik!" Tatawa-tawang sagot nito. "Etong si bunso may ka-away nanaman sa panaginip."
"Mom, stop it!" Nahihiyang sabi ni brea
"Alright." Tumigil ito sa pagtawa at tumingin kay Brew ng seryoso. "Your dad is waiting for you to go there, kailangan mo syang tulungan dun."
"What? I don't want to go back there." Malamig na sabi nito.
"Baby, It's been 3 years since Aubrey left you. Isa pa, malaki ang Pilipinas para magkatagpo kayo ulit dun." Pangungulit ng mommy nya. Bumuntong hininga pa ito at tumingin sa kanya ng may lungkot sa kaniyang mata, "Your dad wants you to help him, He's sick, brew. Lagi syang nao-over fatigue kaya kailangan nya munang magpahinga."
"Do I have a choice?" Malamig nitong sabi. Tumayo na si Brew at tinitigan si brea. "Ihahatid na kita."
"Eeeeeh kuya di pa ko tapos kumain! 💔" nakangusong sabi ni Brea.
"Halika na, may dadaanan pa ko." Seryosong sabi niya kay brea at hinawakan ang kamay upang makatayo ito sa kinau-upuan.
Hinila nito ang kapatid palayo sa hapag kainan.
"Brew, anak!" Tawag ng kanyang mommy sa kanya.
Tuloy-tuloy lang ang paglakad ni Brew palabas ng bahay nang walang lingon lingon.
-x-Pagkatapos nyang mai-hatid si brea sa school ay dumeretso sya sa bahay nila para mag-impake ng mga damit na dadalhin nya sa Pilipinas, Hindi nya narin naabutan ang kanyang mommy dahil busy din ito sa company nila. Matapos nyang asikasuhin ang mga dapat asikasuhin ay nagpunta sya sa kanyang matalik na kaibigan na si Nikolai.
"Hoy Kailangan mo kong samahan ngayon." Sabi ni Brew matapos nyang batuhin si Nikolai ng unan habang naglalaro ito ng mobile legends sa cellphone.