Chapter 1

7 0 0
                                    

Hera Nathania Montecarlos POV

"Be okay ka lang ba talaga?" Tanong sakin ni ate ransie since break namin sa duty ngayon.

Napatingin ako sa kanya at ngumti "Oo naman te, bakit?"

Umupo sya sa harapan ko at tinitigan ako ng seryoso sa mga mata ko. "Kung okay ka lang bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo?"

"Ahh hahaha ano ka ba te, busog pa kasi ako kaya hindi ko makain." Alam kong nag-aalala na ang kaibigan ko sakin kung kaya't pinilit kong ngumiti at ipakita sa kanya na okay lang ako.

"Come on Her, I know you're not okay. Don't try to hide it from me. I know you, very well." Seryoso nyang sabi sakin habang nakatitig sya sakin na animo'y sa kaila-ilaliman ng pagkatao ko ang tinitignan nya.

Ate Ransie is my bestfriend, we grew up together that's why she knows me very well even in my darkest past.

Umiling-iling kang ako napatingin sa kinakain kong chicken spaghetti ni jollibee. "Okay, I'm sorry. Na-alala ko lang sya, siguro namimiss ko lang sya? Di mo naman ako masisisi diba? Kaka break lang namin nung isang araw." Napabuntong hininga nalang ako. " isa pa, malapit na birthday nya, n-nalulungkot ako kasi baka nalulungkot sya sa birthday nya"

Sobrang bigat ng dibdib ko, di ko alam kung paano ko sya ilalabas. Napakasakit sobrang sakit.

Kamusta na kaya sya? Nalulungkot kaya sya? Naiisip nya rin kaya ako? Miss na miss ko na sya. May pag-asa pa kaya kami? Gusto na kitang yakapin Lucas pero hindi ko na magawa. 😞 you're no longer beyond my reach.

Naramdaman ko nalang bigla ang paghagod ni ate ransie sa likuran ko, dahilan para lalo akong maging emosyonal sa nararamdaman ko.

"I-iyak mo lang her, pero ipangako mo sakin na magiging okay ka." At di ko na napigilang humagulgol ng iyak dahil halo-halo yung sakit na nararamdaman ko ngayon..

Niyakap nya ko at patuloy na hinahagod ang likod ko.

Ganto pala ang feeling ng broken hearted no? Yung tipong wala ka nang ganang kumain at parang tinatamad ka sa lahat.  Yung feeling na nabawasan ng kalahati yung buhay mo? At yung sakit? Yung feeling na gusto mo syang tanggalin nalang at palitan ng bago para di mo na maramdaman yung sakit? Ganun na ganun.

"Shhh.. Everything will be okay, not so soon but in time." Patuloy nya pa.

Ang sarap lang sa pakiramdam na may kaibigan akong alam ang lahat ng pinagdadaanan ko sa buhay.

Ilang minuto muna ang lumipas bago ako mahimasmasan. "Salamat ate." At binigyan ko sya ng matamis na ngiti.

"Ayan ganyan dapat! Dapat lagi kang nakangiti para di nababawasan ang ganda natin!" Masayang tugon pa nito. "Alam mo kase ang pagmo-move on hindi minamadali, It takes time to heal the wound in your heart, yung sayo kasi sobrang lalim ng sugat kaya matagal bago sya maghilom." Tumayo sya dahilan para mapatingala ako sa kanya. "And it takes someone para makalimutan mo sya."

~*~

One week na ang nakakalipas simula nung nagka-usap kami ni ate ransie. Nagyaya syang mag-inuman since birthday daw nung kapatid ng boyfriend nya. Anong araw nga yon? May 19. Ahh. Birthday din pala ni Lucas ngayon.

I greeted him a happy birthday on messenger  but he only seened it.

May kutob na ko kung bakit nya sineen pero hindi ako naniniwala sa instinct ko.

Nagpunta kami ni Sherlyn, Jon at Kim sa bahay ng boyfriend ni ate ransie, I think passed 11pm na nung naisipan naming pumunta.

Nang makarating kami, agad kaming sinundo ni ate ransie kasama ang boyfriend nya maging ang mga kaibigan nito.

Dear Future HusbandWhere stories live. Discover now