Chapter 4

18 4 1
                                    

Aez

"Aez? Sinong kasama mo? At anong ginagawa niyo?" para akong batang tinatanong tungkol sa isang napakalaking atraso ko. Napalunok ako ng ilang beses para salubungin ang nagdududa nilang tingin. Pashneyney baka kung ano ang iniisip nila.

"Wait. I'll explain okay? Tigilan niyo nga ang tingin na yan! Wala kaming ginagawang masama." pamumuna ko sa kanila kasi yung tingin nila sa akin parang kakainin ako ng buhay.

In-explain ko sa kanila na nakikiusap si Mr. Vowels na makituloy. Pati na yung bibihisan ko na sana siya kasi sobrang taas ng lagnat niya at pinagpawisan siya.

"Okay. Pero di na mauulit to ha? Wag ka ng magpapatuloy ng taong di mo kilala. Hindi ka ba nag-iisip Aez? Masyado ng delikado sa panahon ngayon!"

Napataas yung boses ni Kael. Galit siya. Pero naiintindihan ko naman na nag-alala lang siya. Hindi ka kasi nag-iisip Aez. Hays.

Nilapitan niya si Mr. Vowels . Lumapit naman sa akin si Aris at humawak sa braso ko. Ngumiti siya sa akin na parang sinasabi niya na cute ako. Jk! Parang sinasabi niya na hindi naman ako ganun ka bad dahil may tao akong pinapatuloy sa bahay.

.
Sinabi ni Kael na siya na raw ang bahala kay Mr. Vowels.
Umakyat kami ni Aris sa kwarto ko. Pinahiram ko siya ng damit para makapagbihis kasi naka dress pa rin siya.

3 na rin ng madaling araw kaya hindi na kami natulog pa. Bumaba kami at pumuntang kusina para magkape.

Nadatnan namin si Kael na nakahiga sa kabilang sofa. Tulog na ata siya kasi nakapikit yung mata niya.

"Galit ba talaga si Kael?"nag-alala kong tanong kay Aris.

"Ay hindi te! Sakit ng kamay ko sa kakahila niya sa akin kasi nawala ka dun. Nag-alala siya ng sobrang slight lang."

"Sorry hehe." nag peace sa sign ako sa kanya at nagpa-cute kahit cute na naman ako.

"Eh tinawagan ko naman kayong dalawa kaso di talaga ma-contact"

Nagkwentuhan lang kami ni Aris about sa comeback ng blackpink, tapos yung super niyang pagka obsess kay Jimin ng bts. Whatever! Mas cute pa rin naman si Taehyung ko.

Natigil yung pag-uusap namin nang pumasok si Kael sa kusina..

"Good Morning!" bati ni Aris. Ginulo lang niya ang buhok niya at tumango siya sa amin.

Dumiretso siya sa ref para kumuha ng tubig.

Nagpaalam si Aris na kailangan na raw niyang umuuwi kasi hinanap na siya sa kanila. Buti pa siya may magulang na naghihintay. Hays. Naiinggit ako.

Nilapitan ko si Kael habang kumakain ng cereal.

"Uyy!" tawag ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin pero yumuko rin naman agad.

Hays. Galit pa rin talaga siya.

"Sorry na. Di na mauulit. Sorry na tukmol please? I love you. Not a love story!"

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti. Choosy pa! Ngingiti rin naman pala. Samantalang Kanina pa nakabusangot ang mukha niya.
Ginulo niya ang buhok ko ningudngod sa mukha ko pashneyney! Pero alam ko na yun ang way ng pagsasabi niya ng 'okay na'..

                 ♡***♡

Hinatid ko si Mr. Vowels hanggang sa labas ng gate.

"Okay ka na ba talaga Mr. Vowels?"

"Yup! Ang galing ng Nurse ko eh. Sorry sa abala Aez. Thank you so much. See you next time. " nag smile siya at nag wave ng hand at saka pinaandar ang kotse niya paalis

Heartbeat's Speed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon