Chapter 3

25 4 1
                                    

Aez

Napabuntong hininga ako nang makita ang laman ng closet ko. Puro Jeans at T-shirt lang. Kailan nga ba ako huling nakasuot ng dress? Nung 7 years old pa ata ako. 10 years na rin ang lumipas. Alangan naman yun ang suotin ko ngayon .

Hindi nalang siguro ako pupunta ng party. Hays.

T-Text ko na sana si Kael para tanggihan ko yung invitation niya nang may nag doorbell.

Lumabas ako ng kwarto at sumigaw kay Coconut na nasa sala at nanunuod ng tv.

"Coconut buksan mo!"

"Banana can you open the door? ." utos niya naman sa kasama niya na nasa kabilang sofa. Si Banana ay nakababatang kapatid ni Kael. Ka edad niya rin si Coconut. Aba aba. Pinasa pa sa iba.!

"Ayoko nga! Ikaw malapit sa Door."

"Tsk. Why did Kuya Kael brings you here? We're not even close."

"I don't like you rin naman so the feelings are mutual!"

"And Excuse me? Hindi ikaw ang pinuntahan ko dito. Ginawa ko lang yung request ni Kuya. Ate Aez, pakibuksan naman po yung pinto."

I sighed. Ako yung nag utos tapos in the end ako yung gagawa. Bumaba ako at hinayaan nalang silang magbangayan. Hindi talaga sila magkakasundo ewan ba namin sa dalawang yun. Palagi nalang silang nagkakasagutan.

Lumapit ako sa pinto para pagbuksan ang nag doorbell. Bumungad sa akin ang nakabusangot na si Aris.
Aayain ko pa sana siyang pumasok pero nauna na siyang pumasok sa loob.

"Pinaghintay mo ko te! Ang tagal binuksan. " napangiwi niyang sabi.

May dala siyang maraming paper bags at bihis na bihis na rin siya para sa party.

"Sorry. "

"Anyway. Where's your room? Mag ayos na tayo."

"Ah kasi Aris. Wala akong susuotin eh. "

"Kaya nga andito ako. So saan ang room mo?"

Iginiya ko siya papunta sa kwarto ko.

Naglatag siya ng maraming damit. Yung off shoulder na black nalang pinili ko kasi puro crop top na yung iba.

Pagkatapos niya akong ayusan. Yes. Siya yung ayos ng make up at buhok ko. Kala mo naman kung saan kami pupunta eh hindi naman namin victory party yun. Sa Varsity yun nina Kael.

May Yaya kasama si Banana at pinapunta sila dito ni Kael para may kasama si Coconut kasi for sure late na kaming makakauwi.

                ♡***♡

Bumungad ang nakakaduling na disco light at ingay ng tugtog pagpasok namin sa loob ng bar. Malapit pa akong sumampling kasi grabe yung iba kung makabangga. Siksikan sa loob at sobrang ingay. First time ko ngayon pero si Kael hindi na. For sure pati tong si Aris. Mukhang enjoy na enjoy nga siya sa tabi ko.

Ngayon palang. Parang gusto ko ng umuwi.

"Wag kang hihiwalay kay Aris ha? Mag text or tumawag ka kung aalis ka. " bilin sa akin ni Kael bago siya makipaglandian na naman.
Hindi naman ako bata. Pero para lang talaga siyang kuya.

"You should try this one." napangiwi ako dahil sa lasa ng binigay na wine ni Aris.

Maya't maya lang ay hinila na niya ako papuntang dance floor. Medyo nahihilo ako ng kunti.

Hindi naman ako marunong sumayaw kahit ni try ko yung boom boom ng momoland sa harap ng salamin namin sa bahay eh, nagmumukha lang akong penguin. Para akong tuod dito sa gitna ng dance floor. Gumagalaw lang ako ng unti kasi siksikan din.

Heartbeat's Speed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon