Chapter 1

40 4 0
                                    

1stAttempt

Aez

"Aez na submit mo na poetry mo?" tanong ng seatmate ko. Tumango lang ako bilang sagot at saka nagpatuloy sa pagligpit ng mga gamit kasi uwian na rin.

Palagi akong nag submit ng mga poetry at tula baka sakaling mapili nila at masama sa newspaper ng school. Pero ayos lang sa akin kung hindi. May next time pa naman hehe.

Medyo nakakahinga na ako ng maluwag ngayon na nasa 2nd section ako. Lumipat ako galing 1st section kasi jusq di ko talaga kaya! Sobrang nakaka pressure . Perfectionist at competitive mga tao dun. Yung tipong unting galaw mo lang ay huhusgahan ka na. Kulang nalang pati paghinga mo ay huhusgahan din nila. Kaya bago pa ako tuluyang magpigil ng hininga, ay lumipat na ako sa 2nd section.

May mga iilan ng mababait dito pero meron ding panget ang ugali. Ganda sila? Jusq sakit sa bangs. Ayoko na sa earth. Lilipat na akong Philipines :<

Bukod kay Kael, wala na akong ibang kaibigan dito sa University na to. Ayos na yan. Di naman paramihan ng Kaibigan yan eh. Kailangan mo lang ay yung totoo sayo.
Before counting your friends be sure you can count on them.

At si Kael childhood bestfriend ko siya kaya sobrang close na namin at kilala na namin ang isa't isa.
Nung malapit na ako sa gate ng University, biglang ng ring ang cellphone ko. And speaking of the tukmol! Malilintikan talaga siya sa akin kung bakit siya nag absent eh ang boring tuloy ng araw ko.

"KAAAAEEELLLL" I'm sure na nilalayo niya ng almost one meter ang cellphone niya kasi mabibingi siya sa sigaw ko.!

"Where the hell are you? Saang impyerno ka naman nagsusuot? Akala ko patay ka na. Nakakainis ka. Wala ka man lang sinabi na hindi ka papasok!"

"Andyan ka na naman bat di ko maiwasang, tumingin sayong liwanag. Nadarang na naman sa'yong apoy~"

"Buset ka! Pakanta-kanta ka lang dyan. Ewan ko sayo! Hanap ka nalang ng bago mong bestfriend."

"Hahahahahahaha. Sorry na. Nag-aala-Shanti Dope ka na naman kasi sa bilis mong mag rap. "

"Pashneyney ka! Balakadyan!"

"Uy teka. Nasa Hospital ako... "

"Ano?!"

Sinabi niya sa akin ang address ng hospital kung saan siya naka confine. Ano na naman kaya ang ginagawa niya. Tss.

Mabilis akong nagpunta dun. Kailangan ko pang sunduin si Coconut sa school niya pagkatapos nito.

                   ♡***♡

Pagpasok ko sa kwarto niya, may nurse na nag check up sa kanya. Hindi niya napansin ang pagpasok ko kaya umupo nalang muna ako sa couch

"Maganda na ba pakiramdam mo?" tanong nung nurse.

Halata namang nangangati ang tingin ni Kael sa nurse. Ang harot talaga.

"Mas maganda ka." nakakadiri yung kindat niya. Pashneyney.
Biglang namula yung mukha ng nurse. Playboy mode.

I rolled my eyes. Kung kakagat siya sa panglalandi ni Kael. Kawawa siya. Ang lakas talaga siguro ng charisma niya kasi pati sa University ang daming nagkakagusto sa kanya. Minsan pa nga naaabala ako kasi ako inutusan nilang ilakad ko daw sila sa best friend ko. Mga haeup na yun. Wala ba silang mga paa at ako pa talaga ang maglakad sa kanila?!

Buti nalang hindi na nagsalita ulit yung nurse at lumabas na siya. Trabaho muna bago harot si ate gurl.

"Uy Aez!"

Heartbeat's Speed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon