002 // puno

44 1 0
                                    

♣︎
ako'y isang puno,
ipinalaki upang makatulong
sa agrikultura ng aking bansa.
dinidiligan araw-araw,
upang makapagbigay
kasiyahan sa mga nilalang.
ako'y sagana sa tubig,
na inihahandog ng aking may-ari,
ngunit uhaw sa mga pangarap,
na ipinagkait saakin.
tumubong mag-isa sa dulo
ng bundok ng pantasya,
naghihintay lang ng bagyo,
habang nagdurusa.
ako'y isang puno,
na hindi naman talaga
ginusto maging isang puno.
♣︎

kape at asukal || tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon