008 // gitara

23 1 0
                                    


sa bawat tunog ng aking gitara,
maririnig ang ating
masasayang ala-ala.
ang mga yakap sa
ilalim ng mga tala,
at mga batang hindi nadadala.
aking ibinigay na
sa iyo ang gitara
na aking inaruga,
sapagkat bago ito
naging ganito kaganda,
ito'y nasira muna ng iba,
at sayo'y aking ipinagkatiwala
ngunit ako'y bulag
sa iyong maling pagtipa,
kaya heto, iniwanan na naman
ng aking sinta,
at muling nasira ang gitara.

kape at asukal || tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon