♪
sa bawat guhit sa pisara,
bawat linya at litrato,
patuloy lang ang paglabo.
pag-ibig natin na parang yeso,
di mo malaman kung ito'y totoo,
kapag ang pagsulat ay
diniinan masyado,
ang yeso ay tuluyang,
masisira at guguho.
kapag mahinahon naman
and iyong paghawak,
walang mangyayari
at sa bandang huli,
hindi narin mabibigyan ng pansin.
kaya imbis na tayo'y magkasakitan,
heto, yeso ay akin nang bibitawan.
♪
BINABASA MO ANG
kape at asukal || tula
PoetryNandito ako, sa ilalim ng puno ng mansanas at nakatingin sa mga kumikinang na tala. Pinapalibutan ng mga nakasisilaw na alitaptap, nakayuko sa dulo ng realidad, at pumupulot ng bato sa kawalan. Nabubuhay sa isang daigdig na tanging kape at asukal na...