Chapter 3

17 0 0
                                    

A/N : hello! luto na ang chap3 char. HAHAHAHA basahin niyo nalang :)

~•~

"Kassy wake up!" nagising ang kaluluwa ko dahil sa pagyuyugyog sa akin ni kysha. "Ano ba kassy i said wake up" tinalikuran ko lang siya at nagtalukbong ng kumot. Bwiset na umaga naman oh.

"Ano ba kysha, bakit ka ba nandito sa kwarto ko?" sabi ko na halata sa boses ko na antok na antok pa. Totoo naman kase.

"Gumising ka na kase para malaman mo kung nasaan ka parin" unti unti kong idinidilat ang aking mga mata, wala ako sa kwarto ko kundi nandito ako sa isang kwarto na kulay pink na may nakasabit na mukha ni kathryn sa pader. No!

"Hindi panaginip ang nangyare?!" i asked at nagsimula nang magdabog. Hindi pwede to!

"Wala tayong magagawa—"

"—Goodmorning players"

Naputol ang sasabihin sana ni kysha nang may magsalita na lalaki na rinig na rinig sa buong bahay.

Bigla namang may lumitaw na letter sa screen ng tv na nasa kwarto ko.

Vicente's member search.

Member search?

"Kassy, you should now find your members to start your first activity. I will only give you one week to atleast have 5 members on your sh" napatingin ako sa screen ng tv dahil doon nanggaling ang nagsalita, lumitaw naman ang mukha ni noli de castro. "if you fail, you and kysha will face the punishment" he said at bigla na lamang namatay ang tv.

"I think we better start finding some members kassy" kysha said at lumabas na sa kwarto ko.

Napabuntong hininga nalamang ako at dumiretso sa banyo upang maligo. duh? kahit naman roleplay world 'to kailangan paring maligo.

Kailan ba kami makaka alis sa mundong ito?!

"KASSY ANG BAGAL MO KUMILOS" kanina pa katok ng katok si kysha sa kwarto ko. Paano ba naman kase? hindi ko alam yung isusuot ko. Pagbukas ko kase ng cabinet, bumungad sakin ang napakaraming damit. Grabe! parang nagugustuhan ko na kahit papaano dito.

"Teka lang naman" sigaw ko sapat na para marinig niya ang boses ko.

"Bahala ka diyan" rinig kong sabi niya.

Binuksan ko na ang pintuan dahil baka maging dragon na tong babae na to sa sobrang galit. Sayang ganda ni liza kung ganoon ang mangyayari.

Sinuot ko na lamang ang pastel pink na dress at tinernuhan ko ng sandals na puti. Syempre kailangan rin maging maganda, hindi lang dapat sa totoong buhay kundi pati na rin dito diba? chos.

"Bilisan mo" kysha said at inirapan ako.

Sinundan ko na lang siya papalabas ng bahay. Katulad ng nangyari kahapon ay pumasok kami sa salamin at lumabas sa napakaraming taong naggagala. Karamihan sa nakikita ko ay local celebrities at ang iba naman ay yung mga youtuber. Kung sa real world, magkaiba ang kapamilya at kapuso. Dito naman, halo halo sila.

Para kaming nasa korea na kung saan marami ang naglalakad. Pero ang kakaiba lang ay dito, hindi mga koreano't koreana.

Inumpisahan na naming magsabit ng mga papel sa pader ni kysha.

"Member search— VICENTE SISTERHOOD".

Habang nagdidikit ako ng mga posters sa pader ay may biglang kumalabit sa likuran ko.

Humarap ako para tignan kung sino iyon. Isang babaeng na nakasuot ng mini skirt at white t-shirt. Aakalain mong artista— Artista nga talaga siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Roleplay WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon