CHAPTER 4

13.5K 363 9
                                    

Alvie's POV

Monday

Nakahiga pa ako sa kama at nakatingin sa kisame, iniisip kung ano kaya ang mangyayari ngayon.

Bumangon ako at napatingin sa mga kasama ko na mahimbing na natutulog.

Pumasok na ako sa banyo para maligo at magsipilyo... Sandali lang ako sa loob at lumabas na rin ako pagkatapos na pagkatapos ko... Hindi ko na inabalang gisingin sila dahil may alarm clock naman sila.

Lumabas na muna ako ng kwarto at tahimik pa ang buong paligid ng silid.

'Tsk, tulog pa ang mga abnormal'

Dumeretso ako sa maliit na kusina at binuksan ang ref.

'Wala man lang kalamanlaman'

Napailing ako at kinuha ang isang basong tubig tyaka ininum ito.

"Kanina ka pa gising?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Zoax na kakagising lang!

"Hindi naman" sabi ko lang sa kaniya.

"Magbibihis lang ako" tinanguan ko lang s'ya.

'Kailangan magpaalam pa?'

Napailing ako at muling pumasok sa kwarto... Gising na silang lahat at tapos na rin si Sherra na maghanda.

"Kanina ka pa gising Vie?" Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

"Anu-ano kaya ang dadalhin ko? Kayo? Ano ang dadalhin niyo?" Tanong ni Marra sa amin.

"Isang notebook at ballpen lang sa akin" tugon ni Hyven.

"Wala akong dadalhin" si Cath.

"Cellphone" si Sherra.

"E, ikaw Alvie? Ano dadalhin mo?" Napaisip ako sa tanong niya.

'Ano nga ba ang dadalhin ko?'

"Sarili ko" kibit balikat na sagot ko.

"Ang dadaya niyo naman"

"Anong madaya doon? Eh first day nga kaya hindi maganda ang daloy ng schedule"

"Gan'on ba 'yon?"

"Oo, kaya minsan magbasa ka" nagusap-usap lang sila at nakikinig lang naman ako.

Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto at nasa labas na rin ang mga boys.

"Sa canteen nalang tayo kumain" sabi ni Azeih.

Gangster Queen vs. Vampire King Part 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon