CHAPTER 3

14.7K 342 6
                                    

Alvie's POV

"Alvie" tawag sa akin ni Sherra.

"Hhmm" nakapikit paring sagot ko.

"P-Pwede magtanong?" Tumango lang ako sa kaniya.

"M-Mahal mo pa b-ba si Z-Zoax?" Naimulat ko ng dahan dahan ang mga mata ko dahil sa tanong niya.

'Mahal ko pa nga ba s'ya?'

Napabangon ako saka napabuntong hininga... Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kasi mismo sarili ko ay hindi ko masagot.

"Ayos lang naman sa akin na h-hindi mo sa---"

"Hindi..." Pigil ko sa sasabihin niya, sinulyapan ko s'ya ng mabilis 'yong tipong hindi n'ya mapapansin! Bakas ang pagkagulat sa itsura n'ya, bumuntong hininga pa ako saka tumingin sa malayo "hindi... Hindi ko alam Sherra... Pero iisa lang ang nasisiguro ko.. Hindi na tulad ng dati ang lahat" malumanay na pagpapatuloy ko.

"Pero Alvie, mahal ka n'ya" natawa naman ako sa sinabi n'ya.

"Mahal? Ano nga ba ang ibig sabihin ng 'mahal' Sherra?" Natigilan siya sa tanong ko kaya humiga ulit ako sa kama.

"Are you s-still in p-pain?" Alanganing tanong nito sa akin.

"Hindi ko alam... Kasi nakalimutan ko na eh.." Nakangiting sabi ko "nakalimutan ko nga ba o kinalimutan ko?" Napailing pa ako sa sariling tanong.

"Pero kung gugustuhin mo pwede mo namang ibalik ang dati diba?" Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Hindi na Sherra.. Hindi ako interesadong ibalik ang dati... Kung ano man ang nakaraan maiiwan na iyon sa nakaraan... Wala naman akong balak na pasokin pa ang bagay na alam kong masasaktan lang ako at may masasaktan pang ibang tao" narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya.

"S-Sorry" hindi na ako sumagot sa kan'ya at pumikit nalang ulit ako.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at alam kong naiilang s'ya sa akin.

Gangster Queen vs. Vampire King Part 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon