Chapter 4

2.2K 41 1
                                    

Christopher's POV

Nandito kami ngayun sa Mall, ewan ko ba kila Mom nag-aya mag-mall

Mall is not my thing -__-

"Anak, Tara na"sabi ni Mom sa'kin

Napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa kanila

"Kailangan ba talagang magmall tayo?"kunot noo kong tanong

"Eto naman si Kuya. Ngayun na nga lang tayo nagkakasama sama dahil sa may pasok tayong dalawa, tapos ikakasal ka pa next month kaya sulit sulitin na natin"napatingin ako kay Clarisse

"Ikaw ba ang nag-aya?"I asked

Ngumiti siya sa'kin at tumango

Napatingin naman ako kay Mom nang bigla niyang hawakan ang braso ko

"May point naman ang kapatid mo, Anak, tsaka hayaan na natin siya. Sumakatutal naman e tama naman siya dahil ikakasal ka na nga. Hindi narin tayo magkakasama sama kapag kinasal ka na dahil nand'yan na ang lolo mo"sabi niya sa'kin

Tumingin ako kay Clarisse at sinamaan siya ng tingin

"Bleh..."sabi niya at dumila

Isip bata tss...

She's 15 years old, pero kung umakto akala mong bata

I'm 20 years old, graduating na rin ako

"Sila Ate Aira 'yun diba? 'Yung papakasalan mo Kuya?"napatingin ako sa tinuturo ni Clarisse

Si Aira nga....

Kasama family niya

"Mom! Puntahan natin si Ate Aira!"rinig kong sabi ni Clarisse

Nakatingin lang ako kay Aira, habang naglalakad lakad siya

She's beautiful even ang suot niya ay simple.....

"Kuya!"napabalik ako sa wisyo ng tampalin ako ni Clarisse

Sinamaan ko siya ng tingin

"Busy ka kasing tumingin kay Ate Aira kaya tinampal na kita"sabi niya at humagikgik pa

Huli na bago ko pa siya makurot, tumakbo siya papunta kila Aira at hinalikan ito

Hinila naman ako ni Mom papunta din du'n

Tss....

"Busangot mukha mo?"kunot noong tanong sa'kin ni Aira

"Nakita ko kasi mukha mo!"sabi ko nalang

Lalong kumunot noo niya, pero ngumisi na rin

"Nagandahan ka sa'kin noh! Akala mo hindi ko alam! Sinabi sa'kin ng kapatid mo boy!"sabi niya pa

Tumingin ako kay Clarisse, nagpeace sign lang naman siya at kumapit kay Aira

"Ang panget mo kasi! Hindi bagay sa'yo 'yang suot mo! Mukha kang payatot!"sabi ko at humalakhak

Natigil lang ako ng sampalin niya ako

"I'm not payatot! Sexy ako noh! Baka ikaw!"sabi niya at umalis

"Hala, Kuya! Nahurt mo si Ate!"pangongonsensya ni Clarisse

"Sayang! Kapag nagtampo pa naman si Aira, hindi mo na mapipilit 'yun sa kahit anong gusto mo. Hindi na 'yun papayag"sabi naman ni Tita

Napatingin ako sa tumatakbong Aira

"Habulin mo na Anak. Sige ka, ikaw ang mawawalan"makahulugang sabi ni Mom sa'kin

Tumakbo na ako at hinabol siya

"Aira! Stop!"sigaw ko

Huminto naman siya at lumingon sa'kin

"Bakit mo ako sinusundan?"nananalinsik na matang tanong niya

"Sinundan kita kasi......"think Christopher! Think!

"Kasi?"taas kilay niyang tanong

"Kasi g-gusto ko"sabi ko nalang

"Gusto mo? Ahh ganu'n?"pagkasabi niya nu'n tumakbo ulit siya kaya no choice sinundan ko na naman

Urgh! Bakit ba hinahabol ko 'to?

Siguro siya ang makakatulong sa'yong makuha mo ang mana mo?

Urgh! Ayoko na!

Huminto na siya kaya huminto narin ako

"Oh, bakit mo parin ako sinusundan?"tanong niya sa'kin

"K-kasi gusto k-kita...."hinihingal kong sabi

Napahinto naman siya

Assuming?

"G-gusto m-mo a-ako?"nauutal niyang tanong habang nakaturo sakan'ya ang isang daliri niya

"Hindi kita gusto! Ang ibig kong sabihin, gusto kitang habulin kasi hinahanap ka na ng magulang mo"sabi ko

Bigla naman niya akong binatukan

Aray! Ahh!

"Bakit mo ako binatukan?"nakatingin ako sakan'ya ng masama habang nagtatanong

"Ayusin mo kasi ang paliwanag mo hajdnisnnhdjsnnhemmox"may binulong siya pero hindi ko na naintindihan

"Ano kamo?"tanong ko ulit

"Wala!"sabi niya at padabog na bumalik du'n

Ano kaya binulong nito?

Curious be like..

Don't Let Me Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon