Continue.......
"Chris! Gumising ka d'yan!"sigaw nito sakan'ya
Nakarinig siya nang mga pulis na dumating pero hindi niya pinansin dahil nakatuon ang atensyon niya kay Chris
Kahit binuhat na si Chris pasakay sa stretcher hindi parin siya tumitigil sa kaiiyak
Sumakay sila sa ambulance hanggang sa makarating sila sa hospital
Dinala sa ER ang katawan ni Chris, at siya naman ay nakatulalang nakaupo sa waiting chair
Airansh Mae's POV
Masama na ba akong asawa?
Wala akong magawa kun'di hintayin ang doctor na lumabas sa loob nang kwartong 'yun, sa ER
I'm so hopeless now!
"Aira, magpahinga ka na muna"napatingin ako kay Venice
Tumulo na naman ang luha ko
"Ayoko. Dito lang ako. Ayokong iwan si Chris"hagulgol ko sakan'ya
May lumapit na bata sa'min kaya napatingin ako sakan'ya
"Hello po! Ako po pala si Althea Marie Yuan! Adopted Daughter po ako ni Papa Chris"bibo niyang sabi
Ngumiti ako at niyakap siya
She remind me of my daughter, Gabrielle
"I'm Airansh Mae Bautista-Yuan"pagpapakilala ko
"Kayo po 'yung asawa ni Papa?"tanong niya
Tumingin ako kay Venice
Ngumiti lang siya at tumango
"Ako nga"mahinahon kong sabi
"'Wag po kayong magalala. Mabubuhay po si Papa. Matapang po siya"buti pa siya napakapositive
"Oh bata na nagsabi! 'Wag ka nang umiyak"gatong ni Venice
Napatayo kami nang may tumikhim
"Whose patient relatives?"he asked
"Ako po. Asawa po niya"sabi ko sakan'ya
"Sad to say, he's in coma. Hindi namin alam kung mabubuhay pa ba siya o hindi na. But the good news is, lumalaban ang pasyente"nakangiting sabi ni Doc.
"Lalaban po siya. Alam ko 'yan. Hindi siya mamatay"nakangiti kong sabi
Tumango ang doctor at nagexcuse na
Nakita namin kung paano ilipat sa private room si Chris
"Tita Aira, tara po! Puntahan natin si Papa"sabi ni Althea
Tumango ako kaya pumunta na kami du'n
"Mam, eto po ang mga gamit ni Sir"sabi nang nurse kaya kinuha ko 'yun
May papel akong nakita
"Ayy! Ayan 'yung papel na binigay ko kay Chris bago sila pumunta dito sa susunod na linggo! Hehe may sulat d'yan na nagpapahiwatig na iwasan niyo si James"sabi agad ni Venice
Binalik ko nalang sakan'ya 'yun
Nanganak na't lahat lahat, napaka-childish parin
Umupo ako sa may sofa dahil nakaupo sa upuan si Althea na nakalagay sa tabi nang hospital bed ni Chris
Ang cute nilang pagmasdan
Nakangiti si Althea habang kinakausap si Chris na natutulog
Napapahagikgik nalang kami ni Venice sa ginagawa ni Althea
Akala mong inosente pero hindi pala
Alam niyang comatose ang papa niya pero nakangiti parin siya hanggang ngayun
How I wish, magising ka na Chris
BINABASA MO ANG
Don't Let Me Fall (Completed)
RandomAko si Airansh Mae Bautista, isang babaeng mahilig magdrawing, magluto at magsolve sa math Oo na! Mahilig ako sa math! E sa mahilig ako ehh! Kaya kung sino man may tulong d'yan para sa math! Nandito lang ako para tumulong! Ano 'yun wonderpets? Hehe...