Veronica's POV
Pabalik balik ang tingin ko kay Aira at sa daan
I know she's upset
Bakit nga ba kasi sumugod pa si Tiffany?
Alam kong plano lang ni Chris ang paibigin ulit sakan'ya si Tiffany pero naisip man lang ba niya na maapektuhan ang magina niya?
"Are you okay?"I asked her
Tumingin siya sa'kin at ngumiti
"Of course!"masigla niyang sabi
Pero I know deep inside nasasaktan na siya
"Sana nga, Aira. Sana nga"sabi ko nalang at pinark na ang kotse ko
Hay nakikisabay kapang lintek na ulan ka!
Kinuha ko muna 'yung payong ko at binigay 'yun kay Aira
"Magpayong ka. Baka magkasakit kapa"sabi ko sakan'ya
Ngumiti siya sabay sabing...
"Thank you"
Ngumiti nalang ako sakan'ya at hinayaan na siyang mauna, sumunod naman ako sakan'ya
"Ano ba kakailanganin sa Adobo?"she asked
"Manok naman siguro diba? Adobong Manok?"tanong ko pabalik
"Yeah. Ano ba?"sabay tingin ulit sa'kin at sabay kuha nang basket
Sinulat ko nalang ang kailangan niya at sabay bigay sakan'ya
"Nand'yan na lahat nang kakailanganin mo"sabi ko sakan'ya
Tiningnan niya 'yung sulat at tumingin ulit sa'kin
"Ang dami naman palang kailangan. Sana pala iba nalang"dismayado niyang sabi
"Ano? Adobong Manok parin ba?"nakataas kilay kong tanong
Ngumuso siya at tumango
"So, let's go para hindi tayo gabihin"sabi ko sabay hablot sakan'ya nang basket
"Sige"sabi niya at nauna nang lumakad
Ilang minuto lang, natapos kaming mamili
Paano kasi itong si Aira panay reklamo sa pinapakita kong sibuyas
Kesyo pangit daw itsura, kesyo mabaho daw at kesyo hindi raw maganda pagiging violet nang sibuyas
"Ayus ka na talaga sa sibuyas na 'yan?"for nth time, tinanong ko ulit sakan'ya 'yun
"Oo. Maganda tapos maputi hehe"sabi niya
Ngumiwi ako at sumakay na sa kotse
Sumakay narin naman siya kaya inistart ko na ang engine para makauwe na kami
Pagkarating namin sa bahay nila, deretso na kami sa kusina para magluto
"Ano bang lulutuin niyo mga iha?"tanong sa'min ni Lolo Robert
Nag mano muna kami at sumagot
"Naisipan po kasi nitong ni Aira na ipagluto ang asawa niya"sabi ko
"Ahh ganu'n ba? Sige du'n na muna ako sa taas. One last thing, sarapan mo ahh"nagbibirong sabi ni Lolo Robert
Natatawang tumango si Aira
Umakyat na sa taas si Lolo Robert kaya nagsimula na kami
May mga tumulong din naman sa'min na mga maids para hindi kami maguluhan
5 minutes.....
10 minutes.....
15 minutes......
20 minutes......
25 minutes.....
After 30 minutes, natapos kami sa pagluluto
"Hay, nakakapagod"sabi ko sabay punas sa noo kong may pawis
"Pasensya ka na, Vens ahh? Hindi ko kasi alam magluto nang Adobo hihi"sambit ni Aira na nasa tabi ko
"Ayus lang naman, Aira. Tsaka ako naman na nagsabi na tutulungan kita diba?"tanong ko pabalik
"Sabagay haha"sabi niya
Tumingin ako sa relo ko
"Ghad! 7:40 na pala nang gabi! Aira, una na pala ako, okay? Maguusap pala kami ni Mama ngayun"sabi ko agad sakan'ya habang kinukuha 'yung bag ko
"Talaga ba? Sige na. Baka hinahanap ka na ni Tita"sabi niya sa'kin
"Sorry ah? Kailangan lang talaga"sabi ko sakan'ya
"Ayus lang naman ehh. Sige na. Lumayas ka na"nagbibirong sabi niya
"Loka! Sige na nga!"sabi ko sakan'ya sabay besoNagpaalam na ulit ako at lumabas na nang bahay
Kaso papasok palang ako nang kotse ko nang may nakita ako sa kabilang daan
Chris? Tiffany? Sila ba 'yun?
Medyo nilakihan ko ang mata ko kaso sana pala hindi na
Myghad! Gusto ko mang bumalik ulit papasok kila Aira kaso hindi ko na ginawa
Alam kong masasaktan lang siya kapag sinabi ko and worst baka makunan siya dahil sa'kin
The last thing I knew, umalis ako du'n na para bang walang nakita.....
Nakita na ang asawa nang kaibigan ko nakikipaghalikan sa ibang babae
BINABASA MO ANG
Don't Let Me Fall (Completed)
RandomAko si Airansh Mae Bautista, isang babaeng mahilig magdrawing, magluto at magsolve sa math Oo na! Mahilig ako sa math! E sa mahilig ako ehh! Kaya kung sino man may tulong d'yan para sa math! Nandito lang ako para tumulong! Ano 'yun wonderpets? Hehe...