2 weeks had passed....
Airansh Mae's POV
Nandito kaming apat ngayon sa mall
Abalang namimili si Gabrielle at si Gabriella, habang si Althea naman picture nang picture sa dalawa
Ang cute daw kasi
"Tita, ang cute ni Gabrielle oh! Nakatingin siya sa cam"tumingin naman ako kaagad
"Ang cute"kinikilig na sabi ko
(See the multimedia)
"Mommy, punta na po tayo kay Daddy. Ayus na po 'to"napatingin kaming dalawa kay Gabrielle at sa cart namin
Konti palang ang laman
"Talaga? Ayus lang sain'yo ganito kakonti?"tanong ko
"Opo, Mommy"sagot naman ni Gabrielle
Magkasing edad lang pala si Althea at Nathaniel kaya mukhang bagay sila hihi
"Okay, let's go"sabi ko at tinulak ang cart papuntang counter
Pagkatapos namin magbayad, dumiretso na kami palabas at papunta sa parking lot
Pagkarating namin, tinulungan nila akong maglagay nang mga pinamili naming pagkain sa likod nang kotse
"Thank you, Kiddos"sabi ko sakanila at ngumiti
Ngumiti silang tatlo at sumakay na sa loob
Sa backseat sila umupo habang ako naman ang nagdadrive
Ilang minuto, nakarating naman kami kaagad sa hospital at dumiretso sa loob
Syempre common sense niyo nalang ang kailangan hehe
"Kiddos, 'wag maingay ahh. Ayoko nang maingay"paalala ko sakanila
Tumango naman sila
Hanggang ngayun comatose parin siya
Hindi naman namin maiwasan mawalan nang pagasa pero sa machine nalang talaga kami umaasa
"Alam mo ba, 'yung sa third floor du'n sa pinakadulong kwarto? Namatay na pala 'yun lalaki du'n"
"Talaga ba? Akala ko hinihintay pa niya ang pamilya niya?"
"Hindi. Binawian na nang buhay kaninang umaga lang"
Mabilis pa sa alas kwatro kaming tumakbo pasakay sa third floor
Kinakabahan ako sa malalaman ko
5 months had passed......
Nandito kami ngayon sa isang private resort
Ayaw kasi nang kambal nang matao
Nakatitig lang ako sa dalampasigan nang may umakbay sa'kin
"Ang ganda nang tanawin noh?"tanong ko sakan'ya
Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya
"Oo maganda"nagblush naman ako du'n
"Nambola ka pa"sabi ko sabay batok at takbo
Hinabol naman niya hanggang sa mahuli niya ako
Hinapit niya ako sa bewang at hinalikan sa noo
BINABASA MO ANG
Don't Let Me Fall (Completed)
RandomAko si Airansh Mae Bautista, isang babaeng mahilig magdrawing, magluto at magsolve sa math Oo na! Mahilig ako sa math! E sa mahilig ako ehh! Kaya kung sino man may tulong d'yan para sa math! Nandito lang ako para tumulong! Ano 'yun wonderpets? Hehe...