Chapter 41

1.6K 29 0
                                    

Airansh Mae's POV

"Vens, ang aga aga nandito ka na naman?"tanong ko kay Vens

"Binibisita ko lang naman 'yung kambal at tsaka binilhan ko sila nang mga pagkain at laruan"sabi niya

"Pagkain at laruan na naman? Ang dami nang laruan at pagkain nang kambal tapos 'yun na naman ang ibibigay mo?"sabi ko sakan'ya sabay bigay nang juice

"Hayaan mo na ako noh! At tsaka may sasabihin ako sa'yo"sabi niya

Kaya umupo ako sa tabi niya

"Ano 'yun?"tanong ko

"Chismosa neto! Hahaha mamaya na! Nasa'n muna 'yung kambal?"umirap ako sakan'ya

"Umalis sila kasama si James"sabi ko sakan'ya

"Talaga bang tatay ang turing nila kay James?"she asked suddenly

Tumingin ako sakan'ya

"Yeah. Naging mabuting ama naman siya sa kambal ehh"sabi ko naman sakan'ya

"Paano kapag dumating siya?"kunot noo ko siyang tinignan

"Si Chris! Slow neto!"sabi niya

Napatango tango ako

"Sasabihin ko naman sakan'ya ang totoo eh. Kasi in the first place may karapatan siyang malaman ang totoo. Sa katunayan nga ehh, alam na ni Nathaniel ang totoo even si Gabrielle, pero hindi alam ni James"paliwanag ko

"Be ready, Aira. Babalik na siya"sabi niya sa'kin na nakapagtulala sa'kin

Babalik? Si Chris?

"Kasama si Tiffany?"tanong ko

Yumuko siya at tumingin ulit sa'kin at hinawakan ang dalawang balikat ko

"Wala na si Tiffany, Aira. Namatay siya sa panganganak"napatingin ako sakan'ya nang diretso

Patay na siya?

"Omygod!"nasabi ko nalang

"Isang taon na ang nakakaraan nu'ng namatay siya. Hindi natuloy ang kasal nila dahil nagle-labor si Tiffany nu'n at namatay nga siya. So, ibig sabihin nu'n kasal ka parin kay Chris, Aira"

Napayuko nalang ako

Paano na 'to? Ikakasal ako kay James at babalik na siya

"At 'yung akala mong anak ni Chris kay Tiffany? Hindi 'yun totoo. Iba ang ama nu'ng batang 'yun"napaiyak nalang ako at napayakap sakan'ya

"Ano nang gagawin ko? Engaged na kami ni James. Tapos sabi mo babalik na si Chris. Paano na?"umiiyak kong tanong sakan'ya

"The only thing you need to do is, break up with him, with James. Hindi pwedeng matuloy ang kasal niyo hangga't kasal ka kay Chris"umiling iling ako sa sinabi niya

"Aira, mahal mo ba siya?"napatingin ako sakan'ya nang diretso

"Mahal mo ba si James?"may diin na tanong niya

Hindi ko alam ang isasagot

"Tuwing nakikita ko ang kambal naiisip ko si Chris. Nu'ng araw na nanganak ako, si Chris ang iniisip ko nu'ng araw na 'yun"sabi ko sakan'ya

Ngumiti siya sa'kin at pinunasan ang luhang nasa pisngi ko

"Hindi mo siya mahal, Aira. Dahil si Chris parin ang laman nang puso mo hindi siya. Akala mo mahal mo siya dahil natugunan niya lahat nang pangangailangan mo na hindi nagawa ni Chris kaya akala mo mahal mo siya. You can't love him, Aira. He have a girlfriend and his girlfriend is pregnant"napatulala nalang ako at napatingin kay James na nakatayo sa pinto

Dumating na sila??

Don't Let Me Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon