HMYM : Chapter Eighteen

210 8 0
                                    

Erra's PoV

.

"Si renz?" tanong ko kay christian pagkarating ko sa hospital.

"nakaconfine na siya"

"anong nangyari?"

Christian's Pov

"Anong nangyari?"

"Nahimatay lang siya bigla di ko rin alam kung anong dahilan pero baka alam ni andrei to"

"May kinwento ba siya? tungkol sakin?"

"Hindi sa sinisisi kita pero ikaw talaga ang dahilan"

Erra's Pov

Ouch! bakit kasi ganun nalang yung pagpapaalis ko kay renz yung pagbasted sa kanya! arrrrgh!! inis!!

"Nakuha mo pa talagang pumunta dito? ang kapal na talaga ng mukha mo! Dahil sayo inatake ang kaibigan ko!Tapos ngayon! ano? magsosorry ka? anong magagawa ng sorry mo?"

"Pare! babae yan!"

"Ikaw ang dahilan eh! kaya dapat ikaw ang nakaconfine ngayon! Hindi dapat si renz!Feeling mo kasi sobrang ganda mo kaya akala mo walang masasaktan pag binasted mo"

Napatulo ang luha ko sa naririnig ko kay andrei ngayon.

"Pare, Tama na!"awat ni christian kay andrei

"Tapos pupunta ka dito?! at magtatanong kung ayos lang si renz? ano sa tingin mo ha! ikaw kaya magkasakit sa puso at tatanungin ko ng ayos ka lang? anong sasabihin mo ha!!Naapektuhan ang utak ni renz! sa tingin mo makakapagfunction pa siya ng mabuti?!! Umalis ka na dito!! Umalis ka na!!"

agad akong tumakbo pauwi at umiyak ng umiyak. Pero magkasakit sa puso? O.O T___T Kasalanan ko lahat to.

~Krrriiing~

"Hello?"

"Ayos ka lang be?"sabi ni maeve sa kabilang linya

"Hindi *sobs* be."

"Andito ako sa labas ng bahay niyo"

pinagbuksan ko ng gate si maeve at kahit di pa siya nakakapasok inakap ko na siya kailangan ko ng karamay ngayon. nasaktan ako sa nangyari kay renz at sa mga pinagsasabi ni andrei kanina.

hinagod ni maeve ang likod ko kaya mas lalo akong napaiyak.

"Shh. Tara pagusapan natin yan sa loob"

-

"Shh."

"ako *sobs* a-ako ang dahilan kung bakit nagyari sa kanya yun"nagkwento lang ako sakanya at nakikinig naman siya.

"Shh- Siguro itulog mo nalang muna yan. Magpahinga ka muna"sabi niya at inihiga ako sa kama.

Humiga naman ako habang tuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. Nung umalis na si maeve. lalo akong naiyak dahil pakiramdam ko sobrang bigat ng ksalanan ko.

"Uwaaaaa!- huhuhuuu. nakakaasar naman eh!"sabi ko sabay sabunot sa buhok ko

*toktok*

napatigil ako sa kumatok

bumangon ako at binuksan naman ang pinto.

"Problema mo te? abot sa kabilang kanto sigaw mo"sabi ni eman

"wala wala! chupee alis na hehe"sabi ko at sinarado na ang pinto.

itulog ko na nga lang talaga to

Hey Mr. You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon