"Nay naplantsa niyo po ba yung favorite t-shirt ko?"sabi ko habang nasa kwarto ko at kanina pa palakad lakad saka rinig naman yun sa baba eh.
"Oo nak! Anjan sa damitan mo"sabi niya naman. Alam na ni nay peny kung anong mga favorite ko tagal na niyan samin eh.
"Salamat nay"sabi ko nalang at kinalkal na ang damitan ko.
Natataranta na ako, late kasi ako nagising tapos malapit na yung oras na usapan namin. Siya rin naman dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng maaga eh. Kinakausap niya ako sa cellphone, kung ano anong banat binabanat akala mo naman nakakakilig, pero nakakakilig naman talaga haha.
"Tao po"rinig ko sa baba.
"Eto na!"sigaw naman ni nay peny "oh iho, pasok ka muna naliligo pa nobya mo"rinig ko sa baba.
Nagpatuloy na ako sa pagligo di naman ako ganun katagal maligo, magbihis lang ako mabagal.
-
"Sorry natagalan hehe"sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya
"You're worth the wait"sabi niya habang nakaupo at kumindat nanaman
"Playboy mo talaga"sabi ko at inaya na siya palabas.
"Di na kaya no. Ang tagal na din akong di nakakapagbabae eh"sabi niya habang akbay ako at naglalakad.
"Bakit? Gusto mo hanapan kita ngayon?"irita kong tanong. So all this time yun pala ang gusto niya? Magbabae ulit?
"Wag na, kuntento na ako sayo"sabi niya
"Linyahang playboy talaga oh"sabi ko at pumara kami ng traysikel
"Dati lang yun"sabi niya at sumakay na ng traysikel. Di niya mabitaw bitawan kamay ko pasmado pa naman to minsan lalo na pag nadidikitan ng kung ano ano.
"Namamasa kamay ko pag tumagal yang kamay mo jan"sabi ko sakanya
"Actually kanina pa basa, pero dahil ayaw kong alisin inenjoy ko nalang"sabi niya.
"Psh. Hilig mo talaga magpakilig no?"sabi ko at tumingin sa kalsadang pangiti ngiti.
"Alam mo naman sayo ko lang sinasabi lahat ng naiipon kong pampakilig"sabi niya habng hinharap niya ako sakanya at hinalikan ako sa noo. Napapikit nalang ako.
Sumakay kami ng bus pagkababa namin ng tricycl. Ilang oras din yun bago kami Nakarating sa starcity.
Pumunta muna kami sa burger stand bumili kami ng tigisang burger tapos yung softdrink na malaki isa lang, di naman kayang ubusin yun kung dadalawahin namin. Saka naman itong kalandian ni andrei umatake, isang straw lang din hiningi para daw salo nalang kami. Landi no? Hahaha kinikilig pa rin ako dun. Feeling ko nga minsan sasabog na obaryo ko dahil sa mga kaechusan niya. Awtsu. Talaga tong lalaking to mahal na mahal ko.
"Anong iniisip mo baby? Bakit ka nangiti? Nagseselos na ako jan sa burger na yan ah. Kanina mo pa yan nginingitian"sabi niya at sumimangot.
"Seloso. Syempre iniisip kita malamang mapapangiti ako. Imagine? Dati para akong pinakanakakadiri na nilalang kakalayo mo sakin tapos ngayon para ka namang linta kung makadikit sakin"sabi ko at kinagat ang burger.
"Hahaha. Oo nga no? Pero wag mo na yung isipin kasi may mga di maganda dun"sabi niya at humigop sa softdrink.
Pagkatapos naming kumain nagsimula na kaming sumakay ng rides hindi ko alam mga pangalan nito kasi hindi naman ako nasakay sa mga ganito pero di ako natatakot.
Hinila ako ni andrei sa antawag dito? Spaceshuttle ata to? Ewan. Basta yan yun.
Naramdaman kong lumamig ang kamay niya, kinakabahan siguro to.
BINABASA MO ANG
Hey Mr. You're Mine!
RomanceA typical romance between andrei and erra a young girl who had an opportunity for her career and a young boy who is longing for love in such a long time? Will the hindrance stops their lovestory?