HMYM 22
Erra's Pov
"Sinabi ko kasi sa sarili ko dati na hinding hindi kita magugustuhan dahil kay renz. Ayoko siyang masaktan ng dahil sakin pero nangyari pa rin. Ginawa ko ang best kong ipagtabuyan ka kahit labag sa loob ko, ginawa ko yun para kay renz, para ko na siyang totoong kapatid kaya lahat gagawin ko para sakanya. Sorry, di ko naisip mararamdaman mo nung mga panahong yun naging makasarili ako, pero ngayon na akin ka na ipapangako ko sayong ikaw na ang magiging sentro ng prioridad ko. Ang magiging isa sa paningin ko, Ang prinsesa ng buhay ko. Mahal na mahal kita"paliwanag niya sakin. All this time yun pala ang dahilan niya. Bakit di ko naisip yun? Wala rin akong magawa dahil di ko naman akalaing magkakagusto sakin si renz ng ganun.
"Sorry, Di ko naisip na ganun pala ang nararamdaman mo, sana pala di nalang kita hinabol ng hinabol para di nagkaganun si renz ngayon"sabi ko habang nakayuko.
He cupped my face
"Shh. Past is past, no need to bring the past back okay?"sabi niya at niyakap ako.
Ang sarap lang sa feeling na kayakap mo na ang mahal mo ngayon, di ko maexplain basta ang gusto ko lang ay manatili sa bisig niya.
"Ayy. Samahan mo pala ako, naghihintay na ngayon ang bebies sa beach. Tara!"sabi ko at hinila siya.
-
"Be! GoodNews!"sigaw ko nung makalapit ako sakanila.
"Ano yun? Bakit?"sabi naman ni princess
Itinaas ko ang kamay ko at winagayway ito pinapakita sa kanila ang singsing "Kami na!!"sigaw ko at niyakap si andrei
"Ohh."Trisha
"Congrats!"Ceejay
"Nice!"Jen
"GoodJob drei! Haha"Maeve
"Batak drei! Wag mo sasaktan yan ah. Lima ang matatanggap mong sapak samin"sabi naman ni princess. Tumawa lang kami at bumalik na sa pagligo. Nagvolleyball din kami.
Andrei's Pov
"Gusto mo tanggalin ko yang mata mo?"sabi ko sa lalaking nakatingin kay erra na kung makatingin akala mo kakainin ng buhay, bakit ba kasi nakatwo piece na may dress na see through sila?
"Sorry naman diba? Napadaan lang yung tingin ko react ka na agad. Itali mo kung gusto mo!"sabi niya at umalis. Walanghiya.
Tumayo ako at lumapit sa naglalaro sabay hila sakanya.
"Uy. Bakit?"sabi niya. Dinala ko siya sa kubo na nirentahan nila.
"Magbihis ka ngayon na!"sigaw ko at hinagis sakanya ang pajama at tshirt.
"Ano? Beach? Magaganito ako? Drei naman eh"sabi niya. Habang nagpapout. Cute hehe
"Eh basta. Ayokong may tumitingin sayo kaya sundin mo nalang ako."sabi ko
"Ehh-"sasagot pa sana siya pero tinakpan ko ng daliri ang bibig niya.
"Wag na makulit okay?"sabi ko. Kiniss ko ang daliri ko na pinang harang ko sa bibig niya sabay nagtaas baba ng kilay sakanya
Inirapan niya lang ako at nagbihis na siya.
Pagkabalik niya umupo siya sa tabi ko."Drei may sasabihin ako sayo"panimula niya.
"I love you too"sabi ko na akala mo 'i love you' talaga ang sasabihin niya psh
"Di yun. Kasi- Ano.. Ahm-"
"Hi erra!"sabi nung lalaking tumingin sakanya kanina.
"Sapak gusto mo?"tanong ko sakanya.
"Oh- Ikaw nanaman dude?"sabi niya na parang di makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Hey Mr. You're Mine!
RomanceA typical romance between andrei and erra a young girl who had an opportunity for her career and a young boy who is longing for love in such a long time? Will the hindrance stops their lovestory?