Madalas akong hindi makatulog sa gabi. Ewan. Siguro kung ano ano kasi ang iniisip ko. Naiisip ko yung mga masasayang alaala ko noon na nagpapalungkot sakin at sasabihing "Kailan kaya mauulit yun?" Na sana kung pwedeng bumalik sa oras na yun, kahit saglit lang.
Bata pa lang ako, alam ko nang malalim akong tao. Dahil na din siguro na lagi ako pinagbabawalan noon na lumabas ng bahay. Kaya nung lumalaki na ko nahihirapan ako makihalubilo sa iba. Nahirapan ako makipagkaibigan. Nasanay akong libangin ang sarili ko. Nasanay akong kausapin ang sarili ko. Nakakatawang isipin pero totoo. Kaya hanggang ngayon, makikita mo kong magisa at nagiisip.
YOU ARE READING
Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?
Non-FictionGaano kasama ang praying mantis? Anong level ang galit mo kapag kausap mo ang tagasagot ng tawag ng PLDT? Legal ba laruin ang bird? Anong kinalaman ni San Pedro kay Shaider? Bakit nagiging higante si Ultraman? Ultra na ba yun? Halika na't pagkwentu...