3

46 0 0
                                    


Naalala ko noong bata ako, ayaw akong palabasin ng bahay. Kaya lagi akong gumagawa ng paraan para makalabas. Minsan ang ginawa ko kinuha ko yung jumping rope ng kapatid ko, tapos hinagis ko sa puno ng malunggay para hilahin ko yung sarili ko pataas ng gate namin. Napanood ko sa Tarzan. Alam ko nakita ako ng tatay ko noon e. Siguro hinayaan niya na lang ako sa katarantaduhan ko kasi alam niya wala naman patutunguhan yung ginagawa ko. At sa tuwing naalala ko to, iniisip ko kung creative lang ba talaga ako o siraulo akong tao.

Naalala ko pa pala, para makalabas ako ng gate namin, naisip ko ang isa sa mga imposibleng kayang gawin ng tao – ang lumipad. Kaya pinagaralan ko mabuti kung paano makalipad. "Nagresearch" ako. Nanood ako ng TV. Paano nakakalipad si Superman? Tumingala ako sa langit. Paano nakakalipad ang saranggola? Pinagmasdan ko ang paligid. Paano nakakalipad ang ibon?

Nagpabili ako kay mama ng dalawang Value Meal sa paguwi niya. Syempre hindi ko naisip na kapag kumain ako ng manok makakalipad na din ako. Basura yung ideya na yun. Sunod na araw, umaga, kinuha ko yung karton ng Value Meal, nilusot ko yung kamay ko sa butas at nilagay ko yun sa magkabilang braso ko hanggang sa umabot sa aking balikat. Yun ang magsisilbing mga pakpak ko gaya ng mga ibon. Tapos kinuha ko yung plastic na pinaglagyan ng Value Meal na to at yun yung inilagay ko sa aking likod. Di ko na maalala kung isinabit ko ba yun sa likod ng damit ko o sinakal ko sa leeg ko. Sana sinakal ko sa leeg ko. Yun naman ang magsisilbing kapa ko gaya ng kay Superman. Bakit plastic? Yung saranggola gawa sa plastic.

Okay na. Kailangan nalang ng test flight. Baka magkaaberya pag nasa ere na ko. Double deck yung kamanamin. Ayos. Parang yung distansya ng taas ng gate namin at yung lupangbabagsakan ko. Tumalon ako. Walang epekto. Ulit. Baka di maayos yung pakpak ko.Ginawi ko pa patalikod. Talon ulit. Wala talaga. Ayos ng kapa. Wala pa din. Sahuli kong talon napagod ako kaya pinili ko na lang matulog. Syempre suot ko padin yung costume ko. Baka sa panaginip makalipad ako.    

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now