Simula

431 17 0
                                    

'Sa Panaginip kita unang nasilayan. Sa Panaginip nagsimula ang ating pag iibigan. Ngunit hindi ko inasahan na sa Panaginip din magtatapos ang lahat ito ang magdudulot sa akin nang labis na kalungkutan.'

"Andrea.." Bahagya akong gumalaw ngunit nanatiling nakapikit ang aking mga mata.

"Gumising ka na, Andrea.." Narinig kong sabi nang pamilyar na tinig.

Idinilat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang kaibigan kong si Bea. Nakakunot ang kaniyang noo at halatang naiinis na.

"Oh, Ayan!" Inihagis niya sa harap ko ang kaniyang notebook. "Yan yung lecture natin kanina. Kopyahin mo nalang at magreview ka din. May long quiz daw tayo bukas."

Tinignan ko ang notebook niya at agad itong kinuha upang ilagay sa loob nang aking bag.

"Ang hilig mong matulog. Dapat ay mag' drop ka na. Matulog ka nalang sa inyo, tutal naman ay pumapasok ka lang dito para matulog." Sermon niya.

Sumilip ako sa bintana nang Library. Nakatulog na naman pala ako nang hindi ko namamalayan.

Tumingin ako sa makulimlim na kalangitan. Unti unti nang pumapatak ang ulan hanggang sa lumakas na ito ng tuluyan.

Pumangalumbaba si Bea at malakas na bumuntong hininga.

"Bakit ngayon pa umulan? Nakalimutan ko pa naman yung payong ko. Sabay ba kayong uuwi ni Paulo?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko alam. Baka umuwi na siya." Simpleng sagot ko.

Inis siyang tumingin siya sa akin.

"Andrea, Boyfriend mo siya. Bakit hindi ka sigurado kung umuwi na siya? At bakit hindi kayo sabay? Nag uusap pa ba kayo? Hay nako.. Alam mo at alam nating lahat na sikat sa campus 'yang Boyfriend mo. Hindi lang 'yon.. Gwapo, Macho, Mayaman at Mahal na mahal ka. Kapag 'yan naagaw ng iba, sigurado, pagsisisihan mo!" Banta niya.

Bumuntong hininga ako bago muling sumilip sa bintana. Magsasalita na sana ako ngunit bigla akong inunahan ni Bea.

"Hindi mo siya mahal.."

Dahil sa sinabing iyon ni Bea ay tuluyan na akong napabaling sa kaniya.

"You don't love him. You just forced to say YES when he asked you to be his Girlfriend infront of many Students but the truth is.. hindi mo siya mahal." sabi niya na tila ba siguradong sigurado siya.

"Bea--"

"Hindi mo 'ko maloloko, Andrea. Magkaibigan na tayo mula pa noong mga bata tayo. Iisa ang galaw nang bituka natin. Kilalang kilala kita. Ayokong isampal sayo ang katotohanang 'yan noon pa, pero kailangan mong maging totoo lalong lalo na sa sarili mo. May gusto akong malaman at gusto kong totoo lang ang isasagot mo."

Nakaramdam ako ng kaba sa klase nang pagsasalita niya.

"Hanggang ngayon ba.. hinihintay mo parin siya sa panaginip mo?"

Kasabay ng tanong niyang iyon ay ang malakas na kulog at lalong paglakas ng ulan.

Hindi ko nagawang magsalita. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya na tila nakikiusap sa kung anong bagay na hindi ko alam. Gusto kong kontrahin ang sinabi niya. Mahal ko si Paulo pero--

"Kalimutan mo na siya, Andrea. Hindi siya totoo!" Madiing sabi niya.

Parang isang sampal sa akin ang huling sinabi niya. Kasabay ng unti unting pagtila nang ulan ang unti unti namang pagbuhos nang luha ko.

"You have to accept the fact, Andrea. He's not real. He's just a part of your dreams. Kahit kailan hindi siya magiging totoo. I'm sorry to say this.. Pero sa tingin ko, you are just hallucinating kaya mo siya nabuo."


NOTE:
This is a work of Fiction. Any names, character and incident are product of Author's Imagination. Any resemblance of an actual events, places, persons; living or death are purely coincidental.

Plagiarism is a Crime punished by Law.

Mula sa PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon