"Carlos, nasaan tayo?" Tanong ko.
Biglaan ang pagsulpot ni Carlos at dinala niya ako dito sa isang Ilog na hindi pamilyar sa akin. Nakaupo kami sa gilid kung saan may malalaking mga bato.
"Ito ang Ilog ng Pagasa, Binibini. Ito ang paborito kong lugar."
Hmm.. Sabagay! Maganda naman dito. Malinaw ang tubig at tahimik. Malamang, Andrea! Nananaginip ka, e! Hay, bakit ba kasi lagi kong nakakalimutan na panaginip lang 'to?
"Totoo ba ang Ilog na 'to? Mayroon ba talagang Ilog ng Pagasa o nabuo lang 'to sa panaginip ko?" Tanong ko kay Carlos na kanina pa nakangiti sa tabi ko.
Iniinggit yata ako sa dimple niya!
"Totoo ang Ilog ng Pagasa, Binibini. Ito ay nasa Bayan ng San Agustin."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Seryoso? Kung ganon, nasa San Agustin tayo ngayon? Wow! Ang layo nito samin, a? Alam mo bang kailangan mo pang sumakay nang airplane papunta 'rito?" Sabi ko.
Ngumiti siya at tumitig sa akin. Natahimik tuloy ako at medyo nailang kaya agad akong napaiwas nang tingin.
"Alam mo bang mas lalo kang gumaganda sa tuwing ngumingiti ka?" Sabi niya dahilan upang mamula ang pisngi ko.
Aish! Ano ba yan, Carlos! Wag mo nga akong pakiligin at baka itulak kita dyan sa Ilog. Bakit ba ang hilig niyang mambola?
"Pero sabi ng kapatid ko na si Andrew. Pangit daw ako." Sumbong ko sa kaniya.
Bahagya siyang tumawa.
"Nagkakamali siya, Binibini. Ikaw ay may pambihirang tinataglay na kagandahan na ngayon ko pa lamang nasilayan."
Aba! Bolero ba talaga ang mga sinaunang tao? Siguro crush ako ni Carlos! Feeling ka naman, Andrea!
"Teka nga pala, Carlos, may mga kapatid ka ba?" tanong ko.
"Mayroon akong nakababatang kapatid, Binibini. Anastasia ang kaniyang ngalan. Matanda lamang ako ng dalawang taon sa kaniya." Sabi niya.
So, 126 years old na si Anastasia.
"Ako man, mas bata si Andrew sa akin ng limang taon." Sabi ko.
"Maari ko bang malaman ang iyong edad?"
"Well, Im 22. Alam mo bang halos kaedad mo ang tatay ng lolo ko?"
Ngumiti siya. Oh my! Ayan na naman yung smile niyang nakakatunaw! Kainis!
"Hindi nakapagtataka, Binibini."
"Pero, Carlos, seryosong tanong.. paano ka napunta sa panaginip ko? At paanong nanggaling ka sa nakaraan? Ang edad mo ngayon, dahil narito ka sa panahon ko ay 128 years old. Pero kung naroon ka sa panahon mo ngayon, ilan taon ka na?" Tanong ko.
"Dalawampu't tatlo, Binibini." Nakangiting sabi niya.
Oh noes! Saktong 105 years pala ang agwat ng panahon namin.
"Sa totoo lang, hindi ko 'rin mawari kung paanong nakulong ako sa panaginip mo. Hindi ko maintindihan kung paano ito nangyari. Ang tangi ko lamang naaalala ay nagtungo ako sa balon upang kumuha ng tubig, ngunit hindi ko inaasahan ang biglaang pagkahulog ko rito. At nang magkamalay ako ay nakita kita, hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ko. Naglalakad ka patungo sa isang tulay. Ikaw lamang ang aking nakikita kung kaya't sinundan kita. Ngunit bigla kang nawala at sa tuwing mawawala ka ay nagdidilim ang buong kapaligiran. Lumiliwanag lamang ito sa tuwing bumabalik ka."
BINABASA MO ANG
Mula sa Panaginip
Short StorySa Panagip kita unang nasilayan. Sa Panaginip nagsimula ang ating pag iibigan. Hindi ko inasahan na sa Panaginip din magtatapos ang lahat at ito ang magdudulot sa akin nang labis na kalungkutan. PLAGIARISM IS A CRIME AND WILL BE PUNISHED BY THE LAW.