Narito kami ngayon sa tapat ng isang malaki at lumang bahay. Maganda naman ang pagkakadesign pero halatang matanda na ang Bahay na 'to.
"Kaninong bahay 'yan?" Tanong ko.
"Ito ang aming tahanan, Binibini. Dito ako ipinanganak at lumaki."
Wow! Gaano na kaya katanda ang bahay na 'to? Siguro nasa 150 years old? Or more than that?
"Maaari ba tayong pumasok sa loob, Carlos?" Tanong ko. Parang gusto ko kasing makita ang loob nang bahay nila.
"Oo naman. Ito ay panaginip mo at kontrolado mo ito."
Oo nga pala! Hihi. Hinawakan ko ang kamay ni Carlos at pumasok kami sa loob.
Wooow! Sobrang ganda ng loob nang bahay nila.
May mga magagarang antique at muwebles na halatang matanda na. May malaking painting din kung saan naroon ang buong pamilya ni Carlos. My goodness! Nakakainsecure naman ang ganda nang kapatid niyang si Anastasia. Maging ang Mommy niya ay maganda 'rin, at gwapo 'rin ang Daddy niya. Halata talaga sa kanila ang lahing kastila. Ang ganda naman ng lahi nila!
"Siya ang aking ama. Si Carlito Del Rio at ito naman ang aking ina, si Amelia Del Rio at ang aking kapatid na si Anastasia Del Rio at ako.. Si Carlos Del Rio." Pakilala niya.
"Ikinagagalak ko na makilala ka, Carlos Del Rio.. ako nga pala si Andrea Ysabel Buenavista."
Sa pagkakataong iyon pakiramdam ko ay narito din ako sa panahon ni Carlos.
Dinala niya ako sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Itinuro niya lang kung sino ang nagmamay ari ng mga kwarto na naroon, pero syempre.. hindi kami pumasok sa loob.
"Halika.. may ipapakita pa pala ako sayo."
Ano ba 'yan! Ang dami namang gustong ipakita ni Carlos.
Dinala niya ako sa likod nang kanilang mansyon kung saan naroon ang balon. Hala! Dito siya nahulog diba?
Lumapit ako sa balon at sumilip dito.
"Carlos, dito ka nahulog, hindi ba?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Subukan mo kayang tumalon, baka sakaling makabalik ka sa panahon niyo?" Sabi kong muli.
"Sinubukan ko na iyan Binibini, ngunit kahit magpati-hulog ako ay bumabalik parin ako 'rito.. Sa panaginip mo."
Oh my gosh! Ano kayang paraan para makabalik siya? Pero ang tanong, Andrea. Gusto mo na nga ba siyang tuluyang mawala sa panaginip mo?
Napatingin ako sa mga mata ni Carlos at naabutan ko siyang nakatitig din sa akin. Bahagya siyang ngumiti.
"Sa tingin mo, Binibini, Ano kayang dahilan kung bakit tayo pinagtagpo sa iyong panaginip? Sigurado ako na hindi lamang ito nagkataon at may dahilan ang lahat nang ito. Ngunit sa pagkakataong ito, isa lamang ang sigurado ako. Gusto ko kung anong nangyayari sa akin ngayon, dahil dito.. Sa panaginip mo.. nakakasama kita, Ysabel."
Nagulat ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, ayoko ang pangalang Ysabel, dahil tunog makaluma ito. Ngunit nang si Carlos ang magbanggit, para bang naging musika ito sa aking pandinig.
🎵Yakapin mo ako ng mahigpit
bago ka umalis,
Hawakan mo ang aking kamay
at muli mong hagkan
bago ka lumisan,
Maaari bang sabihing muli
na ako lang ang 'yong mahal
at wala ng ibang hahadlang
sa ating pagmamahalan?
BINABASA MO ANG
Mula sa Panaginip
Short StorySa Panagip kita unang nasilayan. Sa Panaginip nagsimula ang ating pag iibigan. Hindi ko inasahan na sa Panaginip din magtatapos ang lahat at ito ang magdudulot sa akin nang labis na kalungkutan. PLAGIARISM IS A CRIME AND WILL BE PUNISHED BY THE LAW.