Nagtungo ako sa Library upang doon ipagpatuloy ang nauntol kong tulog. Agad naman sumulpot si Carlos at nakangiting tumitig sa akin. Tss! Pa-cute!
"Carlos, magkwento ka nga sa akin nang tungkol sayo. Ano ang mga ginagawa mo noong nandoon ka pa sa Panahon niyo? At may mga kaibigan ka ba or Girlfriend?" Tanong ko.
Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Girlpren?" Tanong niya.
"Uhm, kasintahan.. n-nobya." Sabi ko.
Narito na muli kami sa ilalim nang puno ng Narra. Nakaupo kami at nakasandal habang hawak hawak ko parin ang napakaraming bulaklak na pinitas niya.
"Ang totoo, Ysabel.. nakatakda na akong ikasal." Bumaling ako sa kaniya at naabutan ko siyang nakatingin din sa akin.
"I-Ikakasal ka na?" Tanong ko at hindi ko maiwasan ang masaktan.
Tumango siya.
"Nakatakda na akong ikasal sa aking kababata na si Mariella." Sagot niya.
Pakiramdam ko ay parang tinutusok nang libo-libong karayom ang dibdib ko.
Tss! Nakakatawa ka, Andrea! Bakit ka masasaktan? As if naman na madadala mo siya sa panahon mo? Tigilan mo na nga ang kadramahan mong 'yan at wala 'yang maidudulot na maganda sayo! Pagalit ko sa sarili ko.
"Ikaw, Ysabel. May maswerte na bang lalaki ang nakabihag nang puso mo?" Tanong niya.
Kitang kita ko sa gilid nang aking mga mata na nakatitig parin siya sa akin ngunit hindi ko na siya tinignan pa pabalik.
"Meron." Simpleng sagot ko.
Hinihintay ko na magtanong siya kung sino ang lalaking 'yon pero hindi na siya nagsalita pa. Hindi ko na tuloy maiwasan at bumaling na ako sa kaniya.
"Napaswerte nang lalaking nakabihag nang iyong puso, Ysabel. Sana ay pagkaingatan ka niya at huwag kang sasaktan." Nakangiti 'man ang mga labi niya ngunit ang ipinapakita nang mga mata niya ay taliwas sa gusto niyang iparating sa akin.
"Ikaw din, Carlos. Sana ay maging masaya kayo ni Mariella." Sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya.
Dumilat ako nang marinig ko ang masungit na boses nang aming Librarian.
"Hindi ito hotel na pwedeng tulugan! Bigyan nyo naman nang respeto ang Library!" Inis na sabi niya habang nakatingin sa akin.
Isinoli ko ang Libro kung saan ko ito kinuha at binitbit na ang aking bag upang lumabas. Ang bigat nang pakiramdam ko. Mahinang kulog ang aking narinig kasabay nito ang unti-unting pagbuhos nang ulan. Huli na upang makasilong ako. Naramdaman ko na ang malamig na tubig na tumama sa balat ko.
Nakita ko ang ilang istudyante na nagtakbuhan upang makasilong at hindi mabasa. Yumuko ako at inenjoy nalang ang ulan. Naglakad na ako patungo sa gate nang bigla kong maramdaman na tila wala nang ulan na tumatama sa aking balat. Nang tumingin ako sa kalangitan ay tumambad sa akin ang kulay itim na payong. Humarap ako sa kung sino 'man ang taong nasa likuran ko at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Paulo.
"Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo ako naririnig. May problema ka ba? Napansin ko kasi na palagi ka nalang natutulala." Sabi niya.
"S-Sorry, Paulo. Okay lang ako." Sabi ko.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
BINABASA MO ANG
Mula sa Panaginip
Cerita PendekSa Panagip kita unang nasilayan. Sa Panaginip nagsimula ang ating pag iibigan. Hindi ko inasahan na sa Panaginip din magtatapos ang lahat at ito ang magdudulot sa akin nang labis na kalungkutan. PLAGIARISM IS A CRIME AND WILL BE PUNISHED BY THE LAW.