Katapusan

138 12 1
                                    

Ilang taon na buhat nang mangyari iyon sa akin. Sa ilang taon na lumipas ay naging inspirasyon ko si Carlos. Aminado ako na masakit at hindi ko natanggap noong una ang naging tadhana naming dalawa, ngunit kalaunan ay natanggap ko din. Masaya na ako sa sandaling nagkakilala kaming dalawa. Kuntento na ako sa sandaling naramdaman ko ang pagmamahal niya.

"Andrea, ano sa tingin mo. Maganda ba 'to?" Tanong ni Paulo sa akin.

Tinignan ko ang sofa set na itinuturo niya. Narito kami sa isang Mall upang bumili nang gamit sa bago naming Bahay. Kakatapos lang kasi nito.

"I think much better kung yung black kasi kapag 'yan--" nahinto ako sa pagsasalita nang makita ko ang pamilyar na lalaki na dumaan sa harap ko.

"Andrea?" Tumingin ako kay Paulo.

"S-Sandali lang." Paalam ko kay Paulo at agad akong tumakbo upang habulin ang lalaking ilang taon ko nang hindi nakita pero kahit ganon, hindi ko parin makakalimutan ang mukha niya.

"Sandali.." pigil ko sa braso niya.

Bakas ang gulat sa mukha niya nang humarap siya sa akin. Kumunot ang noo niya at napalitan ito nang pagtataka.

"Teka, you look familiar." Sabi niya.

Sandali akong natulala. Paanong napunta si Carlos dito? Pero, si Carlos nga ba siya?

"Hey, Miss. Okay ka lang?" Tanong niya.

"I-Ikaw ba si C-Carlos?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumiti siya at umiling.

"Nah, My name's Charles. Not Carlos. Pero teka, sino bang Carlos ang tinutukoy mo? Kamukha ko ba siya? Ang gwapo niya naman kung ganon." Nakangising sabi niya.

"Carlos Del Rio." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Wait. Paano mo nalaman ang Last Name ko?" Nagtataka siyang tumitig sa akin. "Ahh! Alam ko na kung bakit ka pamilyar. Nakita kita sa isang portrait."

"Andrea.." tawag ni Paulo sa akin. Bumaling ako sa kaniya.

"Boyfriend mo?" Tanong ni Carlos.. este Charles.

"I'm her husband." Sagot naman ni Paulo.

"Oh, sayang. Anyways, nakita ko ang Portrait mo sa old house nang Lolo 'ko sa San Agustin. If I'm not mistaken, huh. Medyo matagal na kasi noong huli akong nakauwi don." Sabi niya.

"Pwede ko bang makuha ang address nyo sa San Agustin. Gusto ko lang makita yung sinasabi mo." Sabi ko.

Tumingin ako kay Paulo at nakita ko naman ang pagtango niya. He knows about Carlos. Mula sa simula hanggang sa kung paano kami nagtapos ay sinabi ko kay Paulo.

Kasama ko si Paulo nang bumyahe ako nang San Agustin. Hinanap namin ang address na ibinigay ni Charles.

"Manong, alam niyo po ba kung saan ang address na 'to? Dito po kasi kami itinuro noong babaeng pinagtanungan namin." Sabi ni Paulo sabay pakita nang papel sa matandang lalaki.


"Ayy, oo. Diyan sa kabilang kanto, pwede nyong lakarin dahil malapit lang, sa bandang kanan matatanaw nyo na yung malaki at lumang bahay. Doon ang address na 'yan." Turo nito.

"Salamat po." Sabi namin ni Paulo at nilakad na ang daan na tinutukoy ni Manong.

Pamilyar na pakiramdam ang naramdaman ko nang makarating kami sa tapat nang gate nang lumang bahay.

Mula sa PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon