Ngayon ang botohan ng mga officers at siyempre di mawawala ang mga naging officer na napagtripan lang. Kaso di rin mawawala ang mga kontrabidang classmate tulad ni sisa ba yun? Nakalimutan ko eh basta maganda siya. Pasensya na mahina ako sa pangalan eh.Btw ganito kasi ang nangyari, binoto ako ni riya na maging muse at siyempre sinakyan ng mga kaibigan niya ang trip niya kaso may isa sa mga alipores ni sisa na ibonoto siyabilang muse. Sangayon naman ang karamihan dahil tiyak na maganda talaga si sisa. Kaso nung lumamang ako bigla niya akong inirapan.
Ang baliw ko namang kaibigan na si riya nahuli si sisa na inirapan ako kaya ayun pinatulan niya si sisa at nakiresbak din ang mga kaibigan ni riya. Pumatol din naman si sisa at ang mga alipores niya at ako naman halos madurog na sa gitna nila pano ba naman ang hirap nila patigilin kaya ang ending pinagalitan kami.
Buti nalang at simula palang ng klase kaya hindi nalang kami sinumbong ng teacher sa principal.
Tinuloy namin ang botohan at si sisa talaga ang muse at ang escort naman niya ay yung ading ba yun? Adu? Adyi?adla? Adik?adlikahin? Jusq
*Lunch break*
Nasa cafeteria ako ngayon kasama si riya at ang mga kaibigan niya.
Nakasimangot silang lahat at halatang inis na inis pa rin sa sisa and friend's.
"Uy guys hayaan niyo na yun please? Wag nalang natin pansinin tsaka di naman ako sinaktan ni sisa eh" napatingin silang lahat sa akin
"Sisa? You mean serlisa? Hahahahahaha" sabi nung isang kaibigan ni riya kaya nagtawanan sila
Ay serlisa pala yun akala ko sisa. Bagay naman eh lels :p.
"Nga pala guys di ko pa kayo napapakilala kay shaylee" sabi ni riya
"Shimmer,shine,twinkle siya si shaylee" at tinuro niya ako
(AN: At tumigil ang mundo nung ako'y ituro mooooooooo)
"shaylee, sila naman sina shimmer, shine at twinkle" nakipag shake hands kami sa isa't isa.
Grabe nangingintab sila
"At guys ganiyan talaga si shaylee napaka makakalimutin sa pangalan" -riya
"Halata nga" sabi ni shine at nagtawanan sila.
Natigil ang pagtawa nila dahil dumaan sila sis-serlisa at ang mga alipores niya.
"Hah! Kaps kasi ng muka eh. Balak ba naman mag muse?" Sabi ni serlisa at nagtawanan sila. Ang titinis ng boses parang tunog ano basta nakakainerz! "Duh? Mga feelingera! Lez go na nga girls nakakawalan tuloy ng gana kumain"
So pumunta lang sila ng cafeteria para magparinig? Pathetic.
"Muntanga lang eh" komento ni shimmer
"Timang" -twinkle
"Ge talon"- shine
Balak pang sumugod ni riya kaya agad ko siyang pinigilan kaso pag tayo ko may nakaharang na pusa kaya napatid ako napapikit nalang ako nung nahuhulog nako.
Kaso pag dilat ko hindi pala lupa ang nilandingan ko kundi braso! Ng lalaki?
Sinalo ako ng lalaki na kaklasi ko at di ko matandaan ang pangalan niya basta nagsisimula sa A.
Ilang segundo kaming nagitigan kaso nagulat ako ng bigla niya akong binitawan at tumakbo siya dun sa pusa. Kaya bumagsak ako sa lupa at medyo tumalbog pa ko! Aray ah! Ang sakit sa pwet ah!
"Lisa!" Tawag nung lalaki na sumalo sakin sa pusa at binuhat ito at itinakbo papunta sa kung saan.
Tsaka ko lang narealize na nakaupo parin ako at nakatingin ang lahat sa amin. Maya maya lang at pinagtawanan na nila ako
Nagulat ako nang bigla nanamang sumulpot sila serlisa at ang mga alipores niya "yan kasi feelingera! Hahahahahahaha"
Lagot talaga sakin yung lalaking yun! Yung ading ba yun? Adu? Adyi? adla? Adik? adlikahin? Jusq
![](https://img.wattpad.com/cover/151545303-288-k764280.jpg)
YOU ARE READING
Just another love story
Teen FictionWala kang lovelife? Tara dito magkaka lovelife ka! Di ka crush ng crush mo? halika basahin mo to! May mahal ng iba yung mahal mo? Frend, mahalin mo nalang yung nasa tabi mo 😉 -ateFlat