Sabado ngayon at nasa bahay lang ako kasama ang kuya ko at ang mama at papa ko. Kuya ko pala si shawn velona naku sikat na sikat yan sa school lalo na sa college kaso study first ang lolo niyo eh.Ang saya sana ng araw ko kasi sabado at makakapag gala ako kaso nalaman kong meron ako eh. Hindi naman ako masungit kapag may mens ako kaso nga lang madami akong cinicrave pero hindi FRIES! Kundi bulalo,sinigang,tinola,noodles basta may sabaw!
Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahandusay sa kama ko at dinadama ang sakit ng puson ko </3
#heartbreaker
#pusonbreaker
Bumaba nalang ako sa kusina para kumain baka sakaling matigil ang torture na ito. Naka tingin lang sila mama, papa at kuya sakin habang muka akong unggoy na naglalakad papuntang ref. Pagbukas ko ng ref unang nahagip ng mata ko ang isang tupperware ng ice cream (*_*) OMG nakikita niyo ba ang pag kinang ng mata ko? Agad kong hinablot ang ice cream.
Ngunit ng mahawakan at maamoy ko ito may pakiramdam na akong kasawian. Binuksan ko nalang at nagbabakasakaling nagkamali ako ngunit tama ang hinala ko.
"Nice! Ice cream na adobo flavor!" (T_T) </3 "MA SA SUSUNOD WAG NIYO NA PONG GAGAMITIN ANG LALAGYAN NG ICE CREAM PARA PAGLAGYAN NG ADOBO AH NAKAKASAKIT EH" tinawanan lang nila ako at nagpatuloy na sa panonood ng tv sila mama at papa samantalang si kuya nilalaro lang ang aso niya.
Haysss lalabas na ngalang ako.
"Oh san pupunta?" Tanong ni kuya kaya napatingin din sa akin sila mama at papa
"Diyaan lang magpapahangin lang ako"
"Okay. Mag ingat ka ah"
Kinuha ko na ang bike ko at pumidal papuntang park. Haaaa ang hangin.
*Park*
Nakain ako ng ice cream habang nakaupo sa isa sa mga bench dito sa park pinapanood ko lang ang fountain naka kasing boring ng araw ko. Haaaays.
May nakita akong lalaki na familiar parang kaklasi ko ata eh nakasuot siya ng maroon na hoodie tapos may nakasulat na supreme. Hypebeast amp!
Nagulat ako nung nakita niya rin ako kaya lumapit siya sakin.
"Hi shaylee! Taga dito ka rin pala?" Sabi niya
"Hello ding? Ah oo taga dito ako, ikaw? Bakit parang ngayon lang kita nakita dito?"
"Hahahahaha king ang pangalan ko, kakalipat lang namin dito eh"
"Ah ganun ba, sino palang kasama mo ngayon?""Yung tropa ko lang na kaklasi din natin nandood siya bumibili lang ng ice cream"
"King!" Tinawag siya nung kaibigan niya na si- OMG SIYA YUNG BOWZET NA IPINAHIYA AKO SA CAFETERIA KAHAPON!
![](https://img.wattpad.com/cover/151545303-288-k764280.jpg)
YOU ARE READING
Just another love story
Novela JuvenilWala kang lovelife? Tara dito magkaka lovelife ka! Di ka crush ng crush mo? halika basahin mo to! May mahal ng iba yung mahal mo? Frend, mahalin mo nalang yung nasa tabi mo 😉 -ateFlat