chapter 5

43 0 2
                                        

Dali dali akong bumitaw sa pagkakayakap at gulat na gulat na napatingin sa kanila lalo na kay serlisa na pinapatay na ako sa tingin.

"HOW DARE YOU HUG MY BOYFRIEND!?" nanggigigil na sigaw ni serlisa habang palapit sa akin at sasabunutan na sana ako ngunit limang kamay ang pumigil sa nagtatangka niyang kamay at sila riya,shimshinetwink at yung lalaking niyakap ko ang nagmamay ari ng mga kamay.

Wow

"No I'm sorry, it was an misunderstanding let me explain"

"EXPLAIN YOUR FACE! Aminin mo nalang na malandi ka talaga at gusto mong agawin siya sakin napaka feelingera mo talaga!"

"Who do you think you are bitch? Para pagsalitaan mo siya ng ganiyan" nanggigigil na si riya! Inawat ko na lang sila at nag sorry nalang ako dun sa lalaking niyakap ko at nung nadapo ang tingin ko kay serlisa....

"Nakakaboring ka patulan." Ang sama ng tingin niya susugod pa sana siya kaso pinigilan na siya nung lalaki nakaamba pa sila riya. Naglakad na kami palayo.

"Shaylee ano bang nangyari? Bakit mo siya niyakap? Ano? Ikuwento mo! Hoy! Anooo?"tuloy tuloy na sabi ni riya.

"Nakita ko kasi si kuya at akala ko siya yun" maikling kwento ko

"HA!?" -silang lahat

(-_-;) - ako

(*゚∀゚) - silang lahat

"Hay nako tara na nga mag gagabi na oh!" Sumimangot na lang sila at umuwi na kami

*Bahay*

"Kuya pumunta ka ba ng mall kanina?" Tanong ko sa kaniya habang nilalaro ko ang aso niya at siya naman ay nagbabasa ng libro.

"Oo may meeting kami ng mga kaklasi ko bakit?"

"Ah parang nakita kasi kita kanina eh, anong kulay suot mong damit kanina?"

"Peach"

So tama pala ako? Hays di ko naman pwedeng sabihin kay kuya yung nangyari alam mo naman yan si kuya over protective sakin.

*Monday-school*

Nasa cafeteria kami ngayon at sabay sabay na kumakain kaso wala akong gana kumain dahil umatake nanaman ang puson ko kaya nagpaalam nalang ako kila riya na mag cr ako. Pagdating ko sa cr ay nag ayos lang muna ako saglit pero di ako nag m-make up. Maya maya lang dumating ang grupo ni serlisa.

"Huli ka ngayon! Malanding echosera ka!" Biglang sigaw ni serlisa at sinensyasan niya ang mga alipores niya at nagulat ako ng may dalawang humawak sa kamay ko..

May mens ako ngayon

Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay serlisa. Nag init ang kanang pisngi ko sa hapdi na halos mag manhid na. "Kulang pa yan!" Sigaw niya at nagsitawanan sila. Sinampal naman niya ako sa kaliwang pisngi at mas malakas pa halos mangiyak ngiyak nako dahil naalog ang ulo ko. Nahihilo ako. Naramdaman kong hinigpitan nila ang paghawak sakin nung bumabagsak ako.

"Shaylee, mali ka kasi ng binangga eh" sabay sipa niya sa tiyan ko at dun na talaga ako bumigay. Masakit? Oo sobra lalo na't meron ako.

Iniwan na nila akong nakaupo doon. di ko alam ang gagawin ko di ko alam kung iiyak ako. Di ako makapag salita sa sakit. Ilang minuto akong naka upo doon at siguradong hinahanap na ako nila riya pero ayokong malaman nila dahil sigurado akong lalong lalaki ang gulo.

Pinilit kong tumayo kahit pipilay pilay ako. nakita ko yung lalake na niyakap ko at kita ko sa mata niya ang pag aalala at gulat. Agad siyang tumakbo palapit sa akin.

"Okay ka lang? Shit! Dadalin kita sa clinic"

"W-wag please wag" hirap na hirap kong pagmamakaawa

"Hindi! Kailangan monng magamot!" Binuhat niya ako na parang bagong kasal

Ayokong malaman nila riya

"P-please wag n-na" naiiyak nako. Napabuntong hininga naman siya at dinala ako sa ibang direksyon. Binaba niya ako sa likod ng building at walang tao doon bukod sa amin. Tinignan ko lang siya na kumukuha ng mga gamot at band aid sa bag niya.

Nagulat ako ng bigla siyang yumuko.

"Sorry sorry sorry! Sorry dahil hindi kita tinulungan. Nakita kita na binubugbog nila serlisa at wala man lang akong ginawa dahil nagulat ako sa nangyari. Patawarin mo ko at Hindi ko girlfriend si serlisa, Siya lang ang pilit na lumalapit sa akin kahit ayoko sa kaniya"

Di na ako mag tataka kung ganun ang ginawa ni serlisa. Gwapo kasi siya eh.

"O-okay lang" di ako makatingin sa mata niya dahil titig na titig siya sa akin. Nagulat nalang ako ng nagsimula na siya gamutin ang gilid ng labi ko na nagdudugo na pala. Grabe naman ang bigat ng kamay ni serlisa.

Matapos niya akong gamutinAy tumingin ulit siya sakin.

"S-salamat ading" naiilang na sabi ko.

Kaso nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako at tinabingi ang ulo niya para itapat sa leeg ko at nagsalita Nararamdaman ko yung hininga niya sa leeg ko at napakalalim at husky ng boses niya. Tumayo ang balahibo ko.

"Adam ang pangalan ko"










Just another love storyWhere stories live. Discover now