chapter 4

37 0 0
                                    


Natigilan siya nung nakita niya ako at dinuro ko siya "hoy ikaw! Bak-" natigilan ako ng may tumawag sa akin

"OMG! SHAYLEEEEEE!" Nagulat ako sa napakalakas na boses ni riya na tumatakbo palapit sa akin at naka taas pa ang kamay sa ere para yakapin ako. Napatingin tuloy ang mga tao dahil sa lakas ng bunganga ni riya. Pero omg! Seriously!? Nagkitakita talaga kami? Wow destiny!

Dinaganan niya ako nung niyakap niya ako kaya ayun lumundag kami sa lupa! Pinagtawanan tuloy kami nila shimmer, shine at twinkle na kasama rin pala niya.

"Omg shaylee! What a tiny world! Waaaaa! Pupunta kami ng mall nila shimshinetwink! Tara sumama ka na saminnn" Exited na sabi niya habang nasa lupa parin kami at di pa nakuntento ang gaga niyugyog pa ako

"Oo nga shaylee tara naaaa" -shine

"Uh-oo s-sige pero teka lang! Riya patayuin mo muna ako!" Nangiti naman si riya at tumayo na para makatayo na ko. Napatingin naman ako kina king. "Ah king sige ah salamat pasensya na sa mga kaibigan ko"

"Okay lang shaylee"

"Ahm nga pala king, si riya, shimmer,shine at twinkle nga pala mga kaibigan ko" nakita ko namang bumulong kay king yung lalaking pinahiya ako sa cafeteria at umalis na. Di ko lang siya pinansin.

"Hi! Hi riya!" Medyo nagulat ako nung kumindat pa siya kay riya. naks! i smell something lababo bulalo hahahaha.

"Uh hello king" nahihiyang bati ni riya

"Wow riya biglang humina boses?" -ako

"Ayieeeee" -shimshinetwink

Namula naman sila riya at king nakz! Fumafag ivig ang bisprin ko!

"He! Tama na yan tara na!" Sigaw niya sa amin "Ah king sige aalis na kami ah" huminhin nanaman ang boses niya bigla pagdating kay king hahahahaha

"Sige bye girls! Ingat kayo riya!"

Bago kami tumuloy sa mall ay sinamahan muna nila ako iuwi ang bike ko at pinakilala ko sila sa parents ko. nagpaalam narin kami na pupunta kaming mall habang yung tatlong kintab naman ay kilig na kilig nung nakita si kuya.

"Sigurado kayong ayaw niyo ng cookies na binake ko ah?" Nanghihinayang na tanong ni mama

"Hahaha wag ka po mag alala tita sa susunod na dumalaw po ulit kami uubusin ko lahat ng binake niyo" -riya

"Oh sige mag iingat kayo ah wag mag papagabi"-papa

"Hoy shaylee! Siguraduhin mong wala kang ka date ah! 8 pm dapat nandito kana!"-kuya

"Opoooooo sige na po mauna na kami bye bye!" -ako

Nag grab nalang kami papuntang mall dahil ayaw nila mag commute. Habang nasa biyahe inaasar namin si riya kay king.

"Nakz riya! Hypebeast pala ang nais" pang aasar ko

Nagsitawanan naman kami at pinaghahampas kami ni riya kahit keleg na keleg ang loka.

Pagdating namin sa mall nag stay muna kami sa starbucks at nagkwentuhan.dati na palang magkakaibigan ang shimshinetwink nung 1st year pa at nakilala nila si riya nung 2nd year at ako naman ngayong 3rd year high school.

Pagtapos namin sa starbucks ay pumunta kami sa isang boutique para mamili ng mga damit. Ako naman nakatunganga lang dun wala kasi akong masiyadong taste sa fashion eh.

"Omg shaylee bagay sayo to!" Sigaw ni riya na may patalon talon pa habang turo ang isang color peach na dress, above the knee ito kaya tumanggi ako at hindi rin talaga ako mahilig mag dress. Kaso mapilit talaga si riya eh

"No! Ano ka manang? Try mo na to biliiss kung wala kang money don't worry ililibre ko" pilit niya

"Meron akong pera kaso ayoko mag dress" inirapan naman niya ako at di ako tinigilan kaya sa huli pinagpatuloy namin ang pag gala ng suot ko ang dress na iyon.

Pagtapos naming mag shopping ay nag arcade kami at hindi rin kami nag tagal doon. 5:00 pm na.

Habang naglalakad kami parang nakita ko si kuya nakasuot siya ng color peach na t-shirt. Tumakbo ako palapit sa kaniya kaso bigla siyang nawala sa paningin ko dahil sa mga humarang na tao. Nung nakita ko ulit siya nakalatikod siya at may kasama siyang babae. tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya kaso nagulat ako hindi na pala si kuya ang yakap ko.

Yung ading ba yun? Adu? Adyi? adla? Adik? adlikahin? Jusq

At ang kasama niyang babae ay si serlisa




Just another love storyWhere stories live. Discover now