Chapter 10

9 0 0
                                    

Heelloo! Alam niyo ba ha!!
Birthday ni serlisaaaaa! Chran charan wushing wushing!
At meron pa ha eto eto! Ininvite nya ko sa party niyaaa
WUSHING WUSHING
Alam niyo na naiisip ko!? Bati niya na siguro ako! Di niya nako aawayin!
Yeeeeeeeaaaaaahhhh

Okay so mamayang gabi yung party at sasama din sila riya,adam, at lein. Napag usapan na namin ni riya na sabay kaming pupunta mamaya. Pero ngayon sasamahan ko muna si mama mag grocery. Katabi ko ngayon si mama na nasa driver's seat. Oo, nasa byahe kami.
Habang nakatingin ako sa labas nakita ko si kuya na may kasamang babae.

O_O
Owfak sino yun? Woaaaahh
Si kuya may girl friend!?!? Teka gano ka imposible yun. Nanahimik lang ako di ko sinabi kay mama hehe wala na eh nalagpasan na namin sila tsaka di pa naman ako sure wag muna tayo mag assume. Pero sayang kasi di ko masyadong nakita yung muka nung babae aaaaa

Nakarating na kami si mama sa grocery.
Wala sinusundan sundan ko lang si mama habang namimili siya ng mga kung ano ano.

Maya maya nawala na sa paningin ko si mama. Ay nako! Asan na yun? Habang hinahanap ko siya nakabungo ako!

"ouch! Sorry po" -ako

"sorr– shaylee?"

"oy! Lein!! Anong ginagawa mo dito? Sino kasama mo? "

"ah si tita sinamahan ko lang, ikaw? "-lein

"si mama sinamahan ko lang din di ko nga makita eh. sige, hanapin ko muna si mama byee"

"bye!"-lein

Nahanap ko din si mama at nagbayad na kami tapos umuwi nadin

———

Pagdating si bahay nakita namin si kuya na nakaupo sa sofa. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nakita ko kanina pero may kausap siya sa cellphone AT! nakangiti pa! Hmmm?

Pasimple akong umupo sa tabi niya at nakinig. Di niya nga kami napansin ni mama sa sobrang saya niya sa kausap niya eh.

"ahh sige pahinga ka na.... Hala baliw ka ba.... Hahahahha...... Shempre hindi no....  Di ka pwede mapagod pahinga ka na...  Sige bye... "

Ayan yung mga narinig kong pinagsasabi ni kuya. Napatingin naman siya sakin at ako naman ay pasimpleng tumingin sa selpon ko.

Tatayo na sana siya pero tinawag ko siya

"kuya!" tumingin naman siya "nakita kita kanina nung papunta kami ni mama sa grocery may kasama kang babae sino yuun? Yiee girlfriend mo ba yun? Tsaka siya ba yung kausap mo kanina? Pano kayo nagkakilala? Ano pangalan niya? Maganda? Mabait?"

"tanga dami mong tanong. Wala yun kaibigan ko yun"- kuya

"weeee mama mo" - ako. Dumercho lang siya sa kwarto niya at di ako pinansin.


Maya maya lang dadating na dito si riya para sunduin ako papunta kila serlisa

Pagkatapos naming kumain ay Hinanda ko na muna yung mga susuotin ko pagkatapos ay naligo. Pagtapos kong maligo ay sinuot ko na yung yellow na loose shirt tapos yung palda na maong. Ha! Hehe. Nagpabango ako at sinuot yung hikaw na bigay ni kuya.

Maya maya dumating na si riya kasama yung papa niya. "hi titaaa! Kukunin ko na po si shaylee" - riya

"osige mag ingat kayo ha, 10 dapat nandito na ok?"-mama

"yes tita,tara na shay"

"bye ma!"- ako

Sumakay na kami ni riya sa koche nila at yung papa niya ang nagdadrive. Di kalayuan ang bahay nila serlisa pero hindi ko alam kung saan yun. Nakarating kami sa bahay nila at rinig na rinig sa labas palang ng bahay ang ingay ng tugtog at may mga koche din na nakaparada sa kanila. Bumaba kami ni riya at nagpaalam sa daddy niya. Sabay kaming pumasok ni riya, sabay din kaming namangha sa laki ng bahay nila serlisa. Ang yaman talaga.

Sinalubong kami ni serlisa na may hawak na baso ng alak sa kamay niya

" hi girls.." sabay tingin niya samin mula ulo hanggang paa.  Pero sa reaksyon niya para siyang tumingin sa mulo ulo mukang paa. Ngumuti siya samin.. Na halatang peke.

"happy birthday serlisa!" ako sabay abot ng gift ko sa kaniya

"happy birthday" may pilit na ngiti na bati ni riya na walang regalo hahahhaha

"thanks. Come in" sabi niya ng naka smirk

pumasok kami at nakita namin may mga nagsasayawan at woow parang bar yung bahay nila kumpleto sa mga kagamitang pang bar. Nakita namin si adam at lein na nakikipag sayawan sa mga babae yung iba naman nag iinuman. Iniwan lang kami dun ni serlisa at sumama na siya sa mga kaibigan niya. Umupo lang kami sa isang tabi ni riya.

"soo..  Anong gagawin natin dito?"-ako
Tinaas niya lang balikat niya. Tumayo ako at pumunta sa mga pagkain. Kumuha ako ng pagkain hehe eto nalang siguro yung maganda dito, masasarap na pagkain. Sumunod sakin si riya at kumain na din.

Dumaan yung mga kaibigan ni serlisa.. "ew, pumunta ba dito to para makikain lang? For sure mga wala pang regalo yan. Parang mga patay gutom oh" parinig nung isa sabay nagtawanan sila

Ina niyo. di ko lang sila pinansin pero shempre si riya palaban lam na. Tumayo siya agad kahit puno pa yung bibig niya. Pinigilan ko agad shempre ayoko gumawa kami ng gulo dito nakikiparty lang kami.

Tinapos nalang namin ang pagkain at umupo nalang dun.

Lumapit samin si serlisa ng may dalang mga inumin. " hey, anong Ginagawa niyo dyan? Drink" sabi niya ng nakangiti.. Shempre ng peke.

Tinanggap nalang namin yung inumin. "thanks"-ako
"sure kang walang kung anong nakalagay dito?" - riya sabay tinignan tignan pa ang alak. "huy nukaba!" bulong ko sa kanya.

"hahaha silly, bat ko naman lalagyan ng kung ano yan?" -serlisa

"haha malay mo lang"-riya

"ah happy birthday ulit"-ako

"so, how's the party? Enjoy ba kayo?"-ako

"ahm oo haha"-ako. Lumapit naman samin si adam.

"oh hey adam? You enjoying?" -serlisa sabay kapit kay adam. Landi.

"ah oo haha ano pinaguusapan niyo? "-adam

"kung gano mo ko ka love"-serlisa

"???"-adam

"hahaha joke lang"-serlisa

Biglang nagbago ang kanta sa romantic song. Nice. Lumapit sakin si adam at nilahad niya kamay niya sakin tapos ako tinignan lang siya. Ano yan?

"can we dance?" tanong niya. Tumango nalang ako. Hinatak niya ako patayo pero lumapit si serlisa. "ahm..  Pwede ako muna? Birthday ko naman hehe"-serlisa

"ah sige" binitawan ako ni adam at nagsayaw sila ni serlisa. Umupo nalang ulit ako. De okay lang ako. Uminom lang ako dun sa gilid. Si riya naman nakikipagsayawan na sa iba. Wew.

Ilang minuto lang din ako nandun sa tabi. Mag isa. Pinapanood ko yung mga sumasayaw. Si lein pati yung babaeng di ko kilala. Si riya at yung lalaking di ko kilala. Mga iba pa. Si adam at serlisa. Nice.
Maya maya nakaramdam ako ng kakaiba sa chan ko. Shet aaaa ang sakit. Para akong natatae. Napautot ako ng malakas. Nangamoy! Shet ang baho! Ano toooo!

Aaa!  Ang sakit talaga. Tinawag ko si riya lumapit naman siya.

"oh ano nangyayari sayo?"-riya

"ang sakit ng chan ko riya umuwi na tayo please please"pagmamakaawa ko habang naka hawak sa chan ko.

"hala eh pano yan..  Osige na nga tara na"
Naglakad kami palabas ng subdivision para sumakay. Mag cocommute lang kami kasi ang alam ng papa niya mamaya pa kami uuwi at mamaya niya pa kami susunduin.

Habang naglalakad kami sa madilim na subdivision nakita ko si kuya! At kasama niya yung babaeng kasama niya kaninang umaga.









































Just another love storyWhere stories live. Discover now